TAPIK sa balikat ng mga medical frontliners na patuloy na nakikibaka para maabatan ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 patient sa bansa ang ipinagkaloob na medical equipment na nagkakahalaga ng P5.25 milyon mula sa online English teaching platform 51Talk (www.51Talk.ph), sa pamamagitan ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII).

KABUUANG P5.25 milyon na halaga ng Personal Protective Equipment (PPE) ang ipinagkaloob ng 51Talk sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa ginanap na turnover ceremony kamakailan na sinaksihan nina (mula sa kaliwa) Brgy. 281 Z-26 Manila Chairman Jefferson Lau, FFCCCII External Affairs Committee Chairman Nelson Guevarra, 51Talk Country Head Jennifer Que, at Manila Overseas Chinese Service Center Vice Chairman Amado Chua.

KABUUANG P5.25 milyon na halaga ng Personal Protective Equipment (PPE) ang ipinagkaloob ng 51Talk sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) sa ginanap na turnover ceremony kamakailan na sinaksihan nina (mula sa kaliwa) Brgy. 281 Z-26 Manila Chairman Jefferson Lau, FFCCCII External Affairs Committee Chairman Nelson Guevarra, 51Talk Country Head Jennifer Que, at Manila Overseas Chinese Service Center Vice Chairman Amado Chua.

Sa simpleng seremonya, tinanggap ng mga opisyal ng FFCCCII, sa pangunguna ni External Affairs Committee Chairman Nelson Guevarra, kinatawan ni FFCCCII President Henry Lim Bon Liong, ang libo-libong Personal Protective Equipment (PPE) mula sa 51Talk.

“On behalf of FFCCCII, I would like to thank 51Talk, its CEO and Founder Jack Huang and Country Head Jennifer Que. We have been working double time with our partner organizations locally and abroad to aid our hospitals and medical front liners in our fight against COVID-19. Only through helping each other will our nation overcome this crisis,” pahayag ni Guevarra.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Masidhi ang pangangailangan ng mga ospital sa PPEs sa gitna ng pakikibaka ng pamahalaan sa mapamuksang COVID-19 kung kaya’t napapanahon ang tulong ng 51Talk sa pakikipagtambalan sa FFCCCII.

Kabilang sa makatatanggap ng ayuda ang Philippine General Hospital-Department of Pediatrics, St. Luke’s Medical Center-Institute of Pediatrics and Child Health at Metropolitan Medical Center Manila.

“What we are experiencing are extraordinary circumstances. As challenging as it seems for most of us, I admire the resolve and the courage of the Filipino front liners who, day in and day out, are tending to the sick to keep the rest of the population safe and healthy,” sambit ni 51Talk Country Head Jennifer Que.

“On behalf of our 51Talk home-based online English teachers, we salute our front liners!”, aniya.

Sa kasalukuyang sitwasyon, nakasentro ang lahat sa home-based online na pamamaraan para sa edukasyon, kabuhayan at iba pang pangangailangan ng sambayanan upang mapagpatuloy ang pamumuhay sa gitna ng pakikibaka sa Coronavirus (COVID-19).

Kabuuang 20,000 home-based online English teachers ang isinasabak ng 51Talk para matulungan ang lahat, higit yaong mga estudyante na lubhang naapektuhan dulot ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang 51Talk ang nangungunang online education platform mula sa China na nagbibigay ng dekalidad na pagtuturo ng English language.

Noong Hunyo 2016, ang 51Talk ang kauna-unahang Chinese online education platform na napabilang sa New York Stock Exchange (NYSE:COE), isang patunay sa reputasyon ng kumpanya sa pagbibigay na dekalidad na pagtuturo.