PATULOY ang Caltex fuels, marketed ng Chevron Philippines Inc. (CPI), sa pagtulong at pagbibigay-halaga sa responsibilidad ng  frontliners sa gitna na krisis na dulot ng COVID-19 sa pamamagitan ng ayuda at diskwento sa presyo ng gasolina at iba pang produktong langis.

calyex2

Hanggang sa Mayo 15, 2020 – ang huling araw ng ibinabang extention sa Community Enhanced Quarantine (ECQ) – makatatanggap ang medical frontliners, uniformed personnel, local government unit (LGU) frontliners, at delivery partners ng diskwentong P4.00 at P2.00 kada litro sa gasolina at diesel, ayon sa pagkakasunod.

Naglaan din ang Caltex ng P250,000 sa One Voice Pilipinas fund drive ng superstore partner na Landers. Sa naturang programa, sa bawat P1,000 donasyon ay makasisiguro para sa isang linggong pangangailangan sa pagkain ng isang benepisaryong pamilya. Patuloy ang pagtanggap ng ayuda ng Landers One Voice Pilipinas microsite.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nag-ambagan din ang mga empleyado ng Caltex para malikom ang halagang P170,000 para sa Kaya Natin! Foundation. Tinutulungan ng Kaya Natin! ang mga volunteers para sa libreng sakay patungo sa kanilang pinaglilingkurang ospital. Nakapagbigay din ng ayuda sa foundation ang Caltex Makati Credit Cooperative.

Hindi rin nagpahuli ang dalawang Caltex’ branded marketers – Northern Star Energy Corp. at William Tan Enterprise, Inc., -- sa pagsuporta sa frontliners.

Naglaan ng Personal Protective Equipment (PPE), kabilang ang  N95 face masks, surgical masks at hazmat suits ang NSEC sa  Chinese General Hospital and Medical Center at Ospital ng Santa Cruz sa Zambales. Naglaan din ito ng tulong sa 43 barangays sa Ilocos Sur, sa pangunguna ng Caltex Candon 3, sa pagbibigay ng buhay na manok at sariwang isdang bangus sa mga residente.

Nagbigay naman ang William Tan Enterprise, Inc., ng 30 containers ng 70% disinfectant ethyl alcohol sa frontliners sa Palawan.

“We remain optimistic that we will all get through this unprecedented COVID-19 pandemic. As we all practice social distancing and personal isolation, our frontliners continue to fight the battle for us. To show our continued appreciation and support, we at CPI and our partners implemented fuel discounts for our frontliners. We have also initiated donation drives to affected families. Let us all stay indoors, stay safe and do our part to flatten the curve,” pahayag ni CPI Country Chairman Louie Zhang.

Nauna rito, nag-abot ang Chevron companies ng P1 milyon para sa programa laban sa COVID-19 ng Philippine General Hospital Medical Foundation Inc., JAC Liner, Kaya Natin! Foundation, at Grab Philippines.

Sa kabila ng ipinatutupad na ECQ sa Metro Manila at karatig lalawigan, may  91% ng Caltex stations sa buong bansa ang nananatiling bukas para masustinahan ang pangangailangan ng mga motorista na hindi sakop ng ECQ. Nagpapatupad ang bawat istasyon ng 1-meter physical distancing rule, at temperature checks bukod sa regular na paglilinis sa kapaligiran.