Ni Edwin Rollon

PORMAL nang binawi ng Games and Amusement Board (GAB) ang derby permit na ibinigay sa World Slasher Cup International Derby na nakatakda sa Mayo 18-24 sa Araneta Coliseum.

Ang desisyon ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na kanselahin ang pinakamalaking international derby sa mundo ay bunsod nang pagtalima sa naging desisyon ng Pangulong Duterte na palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon mula sa dating Abril 30 hanggang Mayo 15.

MITRA

MITRA

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“We regret to inform you that due to the extension of Enhanced Community Quarantine in the National Capital Region,the GAB has decided to withdraw the derby permit it previously issued as regards to the holding of the World Slasher Cup International Derby at the Araneta Coliseum as scheduled on May 18-24,” ayon sa sulat ni Mitra kay Irene Jose, COO ng Araneta Coliseu, na may petsang Abril 24, 2020.

“The leadership of the WSC says that they will comply with all existing laws and may TENTATIVELY schedule the WSC on the third week of June or probably January 2021,” aniya.

Samantala, ikinalugod ni Mitra ang suportang ibinigay ng malalaking organisayon at asosasyon sa sabong sa buong Pilipinas na pansamantalang itigil ang anumang operasyon ng sabong bilang pagtalima sa ‘social distancing’ para malaman ang hawaan sa COVID-19.

Kabilang sa nagbigay ng suporta sa GAB ang International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA), Inc. at ang Pambasang Federation ng Gamefowl Breeders (DIGMAAN) Inc. na pinamumunuan ni Wilson C.P. Ong.

Samantala, iniutos ni Mitra ang pag-banned kina Ronnie Ignacio at Christoper Fernandez na makapasok at makiisa sa mga aktibidad ng lahat ng lehitimong sabungan sa Pilipinas.

Kabilang ang dalawa sa mga nadakip ng kapulisan sa illegal na tupadahan sa kasagsagan ng ECQ sa bansa. Lumabag ang dalawa sa ipinatutupad na kautusan sa ilalim ng ‘Bayanihan Act’.