NABINBIN man ang liga, tuloy ang aksiyon ng volleyball personalities sa pamamagitan ng Volleyball Community Gives Back PH.

ALYSSA VALDEZ

ALYSSA VALDEZ

Tuloy ang aksiyon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kababayan na apketado ng mapamuksang COVID-19.

Binubuo ng mga volleyball star, nagpaabot ng tulong ang grupo sa mga volleyball referees, ball retrievers at bouncers.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"With the implementation of the enhanced community quarantine, daily wage earners have found themselves struggling to earn a living. Earning their livelihood has been one of the greatest uncertainties that a lot of countrymen have been worrying about. Some of these daily wage earners hit closer to home for the volleyball," pahayag ng VCGBPH, na itinatag nina Charo Soriano, Alyssa Valdez, Dzi Gervacio at Gretchen Ho.

“In the spirit of bayanihan, VCGBPH is launching #CARINGFORALL: Down The Line, We Are One to provide assistance for the paid-per-day personnel, as any help will go a long way,” anila.

Kabilang sa nagpaabot ng tulong ang Rebisco.

"We are humbly asking for support in assisting our volleyball heroes behind the game, who are in need of our help. Any amount will be of help to get us through this crisis," ayon sa VCGBPH.

Sa mga nagnanais na makiisa, maaring ipadala ang donasyon kay Ryan Sordan sa BPI bank account 8069 0632 77.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Volleyball Community Give Back on Facebook sa @vcgbph ng Instagram at Twitter  #CARINGFORALL: Down The Line, We Are One.

Isinasagawa rin ang #ServeOurFrontliners: RAFFLES FOR HEROES, isang fund drive para makakuha ng pambili ng Personal Protective Equipment (PPEs) para sa medical frontliners na siyang nagsasakripisyo araw-araw para malabanan ang virus.