Ang ganda ng GF ni Elmo Magalona na based sa kanyang greetings sa anniversary nila ay Ry ang pangalan. Pinost ng aktor ang photos nila ng GF at may caption na “happy anniversary Ry. Thank u for being my rock & for being u ALWAYS. To more memories together ILYSM.”

Mabilis na dinelete ni Elmo ang post niyang ito sa kanyang socmed account para makaiwas siya lalo na ang GF sa pamba-bash ng fans nila ng ex-GF na si Janella Salvador. Galit ang iba kay Elmo at sa GF nito na parang hindi makatarungan dahil ang alam namin, may boyfriend na rin si Janella.

Hindi lang malinaw kung sino kina Elmo at Janella ang unang nagka-dyowa after their break-up, pero hindi na mahalaga ‘yun dahil pareho na silang happy sa kani-kanyang love life. Kung may Ry si Elmo, may Markus Paterson si Janella.

-NITZ MIRALLES
Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang