May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump, dumepensa sa AI-pic niyang mistulang si Hesukristo

Trump, dumepensa sa AI-pic niyang mistulang si Hesukristo
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, Pres. Donald Trump/Truth Social (Deleted)

Ipinaliwanag ni United States (US) President Donald Trump ang dahilan sa ibinahagi niyang larawan sa kaniyang social media account na mistulang si Hesukristo na nagpapagaling ng mga tao. 

Matapos ito ng naging pagtuligsa ni Trump sa US-born global leader ng Simbahang Katolika na si Pope Leo XIV noong Linggo, Abril 12, 2026, dahil sa umano’y tila pagkastigo ng huli sa pag-iral ng mga krimen.

Ani Trump, nakikita raw niyang tila hindi raw maganda ang ipinapakita ni Pope Leo para gampanan ang kaniyang tungkulin.

“I don’t think he’s doing a very good job. He likes crimes, I guess. We don’t like a Pope who says that it is okay to have a nuclear weapon. We don’t want a Pope that says that crime is okay in our cities,” saad ni Trump. 

KAUGNAY NA BALITA: 'He likes crimes, I guess!' US President Trump, tinuligsa si Pope Leo XIV

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Ayon naman sa naging panayam ng media kay Trump sa White House noong Lunes (araw sa US), Abril 13, 2026, inamin ni Trump na siya mismo ang nag-post ng naturang larawan. 

“It wasn't a depiction. I did post it and I thought it was me as a doctor,” pagsisimula niya. 

Photo courtesy: Donald Trump/Truth Social (Deleted)

Mula sa deleted nang post ni Trump kaniyang Truth Social.

Aniya, naisip lang daw niya ang imaheng ito bilang isang indibidwal na nagpapagaling sa karamdaman ng mga tao at parte o sumusuporta sa red cross. 

“And had to do with the red cross as a red cross worker, which we support and only the fake news could come up with that one,” ani Trump. 

Pagpapatuloy niya, hangarin lang daw ipakita ng ibinahagi niyang larawan sa publiko ang tila pagiging doktor niya at nagpapagaling ng mga tao. 

“I just thought about it and they said, ‘how do you come up with that?’” ‘ika niya. 

“It is supposed to be as a doctor making people better and I do make people better. I make people a lot of better,” pagtatapos pa niya. 

Bagama’t nabura na Trump ang naturang larawan, makikita sa mga international news media outlet ang kopya ng naging post niyang ito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'We're paying trillions of dollars!' Trump, dismayado sa 'di pagtulong ng NATO