Tila dismayado si United States (US) President Donald Trump sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) dahil sa hindi umano pagtulong sa kanila sa pag-atake sa Iran.
Ang NATO ay isang military at political alliance na binubuo ng 32 na mga bansa mula sa Europa at North America. Naitatag ito noong 1949 upang matiyak ang kanilang seguridad at kapayapaan.
Isa sa mga prinsipyo nito ang pagsusulong ng kolektibong pagtatanggol sa mga kakampi nilang bansa at naniniwala silang dapat nilang lahat atakihin kung sinoman ang tutuligsa sa kanilang mga kakampi.
Samantala, ayon naman sa naging panayam ng media kay Trump sa Joint Base Andrews noong Linggo (araw sa US), Abril 12, 2026, sinabi niyang dismayado siya sa NATO dahil hindi raw sila tinulungan ng mga miyembro nito.
“We are very disappointed in NATO, they weren’t there for us,” pagsisimula niya.
Ani Trump, nagbabayad daw sila ng trilyon-trilyong dolyar sa NATO ngunit hindi ito tumulong sa digmaang kinasangkutan nila.
“We pay trillions of dollars for NATO and they weren’t there for us,” aniya.
Pagpapatuloy pa niya, gusto na raw makiisa at tumulong ng NATO sa US kung kailan wala na raw silang maituturing na seryosong banta mula sa Iran.
“Remember when I said NATO was not there. Now they want to come up but there’s no real threat anymore,” ‘ika niya.
“But NATO was not there for us,” pag-ullit at pagtatapos pa ni Trump.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang NATO kaugnay rito.
KAUGNAY NA BALITA: 'He likes crimes, I guess!' US President Trump, tinuligsa si Pope Leo XIV
KAUGNAY NA BALITA: ‘Enough of war!’ Pope Leo XIV, ipinanawagan tigil-giyera sa Middle East