Sa kabila na panay ang anunsiyo ng pamahalaan na huwag magpanic-buying ng alcohol at face mask ay hindi pa rin sinusunod ng tao.

Nitong Martes ay gigil na nagpost ang singer/actress na si Angeline Quinto sa mga nagpa-panic buying ng alcohol na wala ng mabili sa lahat ng supermarket na idinaan niya sa Tiktok.

Ayon kay Angge, “Ito may real talk video na naman ako ha, nag-grocery ako kanina, nanggigil ako ang daming tao! Siyempre nag-panic buying mga tao. Shout out doon sa mga nag-panic buying ng alcohol ha! Ano kayo, inumin n’yo ang alcohol? Isahog n’yo sa nilaga? Kung makakuha kayo ng alcohol isang basket na ayaw ninyo mamigay? Kayo lang may pambili?

“Huwag kayong sakim, mamahagi rin kayo! Ayaw ninyong magka-bacteria, lahat-lahat naman tayo ayaw nating magkasakit pero sana mag-share rin kayo ha!

Tsika at Intriga

Darryl Yap, may buwelta sa mga nagsasabing sinayang si ex-VP Leni

“Kasi kung kayo lang ang may alcohol at kapitbahay mo walang alcohol tapos magkasakit ang kapitbahay mo, mahawaan ka rin kaya mamigay ka hindi ‘yung lahat sakupin ninyo!

“Tapos nakita ko, nakita ko rin sa grocery kanina tapos nag-post sa Facebook, binebenta niya ang alcohol kaya pala ang dami niyang biniling alcohol kasi binebenta niya sa online, magkanong benta, P700! Hay anong gagawin mo sa 700? Magkanong bili mo sa alcohol, P35? Ang laki naman ng tubo mo, palaklak ko sa ‘yo alcohol mo, eh, ipainom ko sa ‘yo ‘yan, eh. Tubong lugaw ka? Samantalahin mo mga tao?”

Oo nga naman bakit ang daming taong mapagsamantala, hindi ba kayo takot sa karma?

Hindi lang si Angeline ang nanggigil maging si Angel Locsin ay nagalit din sa nagbebenta ng face mask sa halagang P1,500 sa online. Plano kasing mamili ng aktres ng marami para itulong sa mga nagta-trabaho sa hospital at health centers na naubusan na nito pero nu’ng magtanong siya ay sinabi nga kung magkano.

Kaya hindi napigilan ni Angel na sabihan ang mga nago-overpricing ng, “Sa nagbebenta sa akin ng mask na nakalaan para sa frontliners natin for P1,500,

MAKONSIYENSIYA HO KAYO.”

Going back to Angeline ay nag-post siya ng litrato ng Tiktok Mental Hospital na ang caption niya ay, “Sa mga kaibigan ko, mauna na ako dito ha, sumunod na kayo. Lalo ka na Nay Bianca Anne Vergara, ‘Wag ka na magpa-sundo, dumeretso ka na. Marami tayong magagawa sa loob.”

Inakala namin na biro lang ito ng dalaga at nang i-tsek namin ay totoo pala at matatagpuan ito sa Nueve de Pebrero Street, Mauway Mandaluyong City.

Pero feeling namin ay binago lang ito dahil nga uso ang Tiktok dahil ang nasa Wikipedia ay National Center for Mental Health ang talagang pangalan ng hospital.

-REGGEE BONOAN