UMANI ng mixed reactions ang birthday greetings ni Arjo Atayde sa girlfriend niyang si Maine Mendoza na “Happy birthday, Babs” sa mga nakabasa.

Ang friends ni Arjo, natuwa sa kanilang nabasa dahil kahit noong March 3 pa ang 25th birthday ni Maine, may pahabol na birthday greetings daw si Arjo. Nagbiro pa nga si Janus del Prado na magpa-secret wedding na silang dalawa. Ang iba, nag-post ng heart emojis at bumati rin sila ng happy birthday kay Maine.

May mga nagpasalamat naman kay Arjo for loving Maine at pinayuhan sila t be strong and always be in love. May nagpayo pa kay Arjo na alagaan si Maine dahil natagpuan na raw ni Maine ang tunay na ligaya sa kanya.

-Nitz Miralles
Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser