“Friendslang po kami,” ito ang sagot ni Jimuel Pacquiao kay Boy Abunda nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda sa tanong kung nililigawan niya si Barbie Imperial.

jIMUEL BARBIE

Sinang-ayunan naman ito ni Barbie nang tanungin siya ng common friend namin tungkol kay Jimuel.

Tawang-tawa si Barbie nang iparating sa kanya na kailangan niyang sagutin kung ano ang real score nila ni Jimuel para sa ikatatahimik ng lahat dahil nga ito ang malakas na bulong-bulungan ngayon sa showbiz, na sila na ni Jimuel.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Ate hindi po talaga, friends lang kami, saka bata pa, ayaw ko sa bata,” paglilinaw ni Barbie.

Turning 22 years old na si Barbie sa Agosto samantalang si Jimuel ay 18 palang kaya siguro hanggang kaibigan lang ang tingin ng aktres sa batang boksingero na anak ni Senador Manny Pacquiao.

Pero ‘di ba age doesn’t matter naman pagdating sa pag-ibig?

“Ha, ha, ha, if ever mga 21-25 sana, pero sa ngayon hindi muna ‘yan ang priority ko, work po muna talaga,” sambit ni Barbie.

Oo nga, minsan lang kumatok ang suwerte kaya sinasamantala ito ng dalaga lalo’t bagong pasok siya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Police Lieutenant Camille Villaluna kasama sina Isabelle de Leon at Shaina Magdayao na mapapasabak sa aksyon.

Bukod dito ay katatapos lang gawin ni Barbie ang pelikulang Mang Kepweng2: Ang Lihim ng Bandanang Itim bilang leading lady ni Vhong Navarro, handog ng Cineko Productions mula sa direksyon ni Topel Lee na isinumite sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival.

-Reggae Bonoan