Kahit nasa tamang edad na para magdesisyon ang baguhang aktor para sa showbiz career niya ay hindi pa rin niya puwedeng gawin dahil nakialam ang magulang niya, partikular ang nanay niyang maraming kuneksyon sa industriya.

Matagal nang sinabihan ang baguhang aktor na kumuha ng manager para may mag-asikaso sa negosasyon sa projects at um-okay naman. May napili ng manager base na rin sa rekomendasyon ng nakararami at ng taong iginagalang niya.

Magpipirmahan na sana ang baguhang aktor at kilalang talent manager pero hindi natuloy dahil umeksena ang ina.

Walang nagawa ang baguhang aktor kundi sundin ang ina kahit nasa tamang edad na siya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Wala pang masyadong alam kasi si (baguhang aktor) kaya kailangan siyang i-guide ng ina, hindi naman masama ‘yun di ba?” tsika sa amin.

Abangan kung matutuloy pa ang baguhang aktor sa napili niyang manager.

-Reggee Bonoan