INAMIN ni Arra San Agustin na malaking tulong ang kanyang mga magulang upang magawa ng maayos ang kanyang mabibigat na eksena bilang Audrey sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Madrasta.

ARRA

Marami ang humanga sa ipinakitang galing ni Arra sa pag-arte kahit pa na heavy drama scenes ang usapan.

Ibinahagi naman ng promising Kapuso actress na susi raw ang kanyang mga magulang upang maayos na magawa ang kanyang emotional scenes.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“’Yung mom and dad ko ‘yung go-to persons ko talaga. ‘Pag may mga emotional scenes na kailangan kuhanan, iniimagine ko sila sa harap ko and napapaiyak na lang ako. Mas lalo ko talaga silang na-appreciate.”

Samantala, nabuking na ni Sean (Juancho Trivino) si Katharine (Thea Tolentino) sa pagpapanggap nito na siya’y nagdadalang-tao at si Sean ang ama. Ito na nga kaya ang simula ng tuluyang pagbagsak ni Katharine? Makamtam na kaya nina Audrey at Sean ang kanilang happily ever after?

Tutukan ang mga kapana-panabik na kaganapan sa huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Madrasta pagkatapos ng Prima Donnas.

-Mercy Lejarde