Bilang pagsuporta sa ipinatutupad na pag-iingat ng pamahalaan upang makaiwas sa novel coronavirus outbreak , ipinagpaliban ng PBA kapwa ang pagbubukas ng PBA Season 45 at ng PBA D-League.

pba1

Orihinal na nakatakda ang PBA season opener sa Marso 1 ngunit inilipat ito ng Marso 8 sa Araneta Coliseum. Pebrero 13 naman dapat ang opening ng D-League na iniurong ng Marso 2 sa Paco Arena.

“It’s a preventive measure against nCoV. It’s now in place and will be implemented. The safety of our fans, teams, players and officials remain to be our utmost priority,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Wala namang magbabago sa mga nakatakdang aktibidad sa opening ng dalawang liga, maging ang mga opening games, partikular sa PBA kung saan nakatakdang magharap ang reigning Philippine Cup five-time champion San Miguel Beer at Magnolia Pambansang Manok.

Tuloy din ang Season 44 Leo Awards kung saan pararangalan ang nagwaging season MVP kung saan magkakatunggali sina Cebuano big man June Mar Fajardo,

Columbian Dyip rookie CJ Perez, NothPort Batang Pier big man Christian Standhardinger at TNT KaTropa ace guard Jayson Castro

-Marivic Awitan