MAHIRAP para kay Sheryn Regis na iwanan ang nag-iisang anak na babae sa piling ng ama nito sa Houston, Texas para balikan ang singing career dito sa Pilipinas.

SHERYN

Inamin ng grand finalist ng Star in A Million (2003) na kinausap niya ang mag-ama niya para sa desisyon niyang bumalik sa bansa at napaka-supportive raw ng husband nito at ang anak naman niya ay gayun din. Pero nangako si Sheryn na kapag wala siyang commitment sa ‘Pinas ay uuwi siya ng Amerika.

Sobrang na-miss ni Sheryn ang pagkanta lalo’t makakasama niya muli ang mga Pinoy singer na nakakasama niya sa ibang bansa kapag gini-guest siya sa TFC events.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tulad sa nakaraang ASAP in San Francisco kung saan nakilala niya ang mga batang singers ngayon at puring-puri niya si Elha Nympha, grand champion ng The Voice Kids, 2nd season na sobrang galang at mahusay. Napuri rin ni Sheryn ang magka-loveteam na sina Edward Barbers at Maymay Entrata.

Kung papalaring makabalik din siya sap ag-arte ay gusto rin niyang makatrabaho ang MayWard.

“Gusto ko sina Maymay at Edward kasi aside from Maymay being Bisaya, she’s so cute! Kikay ka-ayon, ha, ha, ha and they’re very down to earth. Na-meet ko na sila sa Bay Area sa ASAP, then nag-host ulit ako sa ASAP nakita ko sila ulit. NU’ng nasa Bay area kami, si Maymay nu’ng nakita niya ako, sabi niya, ‘oh my gosh ate Sheryn, fan mo ako!’ Ganu’n siya, ‘yung boses ng bata, sabi ko, ‘h my gosh kilala niya ako? It’s so amazing kasi ‘yung mga bata kilala pa pala ako, kahit millennials, ha, ha, ha,” masayang kuwento ni Sheryn.

Hindi rin naman kasi basta makakalimutan si Sheryn dahil gumawa ng pangalan siya ng pangalan hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa nang sumali siya sa Voice of Asia, 2004 sa Kazakhstan kung saan kinanta niya ang Isang Lahi, Sana’y ‘Di Pangarap at Now More Than Ever at ang original composition ni Vehnee Saturno na Follow your Dream.

Si Sheryn ang ikatlong Pinoy na nanalo ng 2 Prize Silver Trophy pagkatapos nina Jed Madela at Arnee Hidalgo at dahil dito ay tinawag na siyang Crystal Voice of Asia.

Maraming shows si Sheryn noong lisanin niya ang bansa sa taong 2010 para manirahan sa Amerika at inamin nitong sobrang na-miss niya.

“I was in the peak of my career then when I decided to leave the country for my family. It’s really a tough decision,” saad ng mang-aawit.

Sa mga batang singer ngayon ay gusto niyang makatrabaho si Elha Nympha bukod kay Darren Espanto, “na-meet ko si Elha and I worked with her twice na (ASAP) ang galing at napaka-humble na bata, she’s only 15 years old pero ang boses halimaw, gusto ko siya. Ang gusto ko kasi sa bata (Elha), napaka-humble, naga-approach sa ‘yo, nakikita mo talaga ‘yung attitude at disiplina ng bata.”

Inuudyukan si Sheryn sa ginanap na presscon niya para sa kanyang homecoming concert na Back To Love na mag-guest si Elha at sumang-ayon naman siya.

Ang Back To Love concert ng singer ay gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 28, “oo nga hopefully ma-guest ko sila.”

May bago ng management si Sheryn, ang March On Entertainment, Inc na siya ring producer ng Back To Love.

Samantala, isa rin sa dahilan kung bakit bumalik ng bansa si Sheryn ay dahil sobrang nami-miss din niya ang magulang niya lalo na ngayon na nagso-solo na rin ang mama niya dahil iniwan na sila ng papa niya nitong Enero 3.

Tuluyang tumulo ang luha ni Sheryn ng mapag-usapan ang kanyang amang si Ginoong Bernardo Regis pumanaw na dahil sa sa sakit nitong liver cancer.

Panimula niya, “Guys, it’s really. I don’t know, it’s a tough year for me, if you’ll ask me, ‘Do you have a happy new year?’

“Nada. Because January 1st, iyon ‘yung time na hindi na talaga okay si Papa, January 3rd he died.

“It’s crazy because I really wanted him to wait for me to be back on January 7, but hirap na siya eh, I just let him go.

“Hindi ko alam, kasi pumunta lang ako rito last December 7 till 16 ha, then paglapag na paglapag ko ng Houston, December 17, sabi ng Mama ko, ‘Yung Papa mo ano na, parang nag-collapse.’ So sabi ko, ‘Dalhin mo na sa ospital’, ganyan-ganyan.

“Just for that span of like hindi pa umabot ng one month, agad-agad. Ngayon ko lang na-feel, it’s really hard na mawalan ng parent. My Papa galing din sa kanya ‘yung boses ko, nakuha ko ‘yung boses ko kay Papa.

“Every time na nagso-show ako rito sa Pilipinas siya ‘yung pinaka-unang napaka-excited talaga at ‘pag pinipigilan ko ‘yung boses ko, sasabihin niya, ‘Huwag kang magpigil baka mapaos ka.’

“Competitive rin ‘yun eh, ‘yung Papa ko tahimik na stage father. At saka napi-feel ko ngayon na alam mo ba ang dami kong guestings, dami kong ginagawa, pero randomly at night umiiyak ako, kaya lang minsan itinatago ko lang kasi ayokong magka-eyebags ng sobra, pero ang sakit eh.

“I love my Dad, na hindi ko nasabi sa kanya always na sobra ‘yung pagmamahal ko sa kanya, kasi sa family kasi namin hindi kami masyadong nag-a-I love you, pero maaano kami you know, the usual Filipino na hindi masyadong ano, pero close ako kay Papa ko.

“And I still remember when I was a kid he used to kiss me sa lips, sabi niya, ‘You be a singer, it’s fine.’ He was an OFW working for us, he’s not really a perfect dad, really not a perfect dad, pero nakita ko ‘yung support niya sa akin the moment nag-18 years old ako, the moment I decided to have a partner in life, he was with me all the time.

“Kahit nasa apartment ako or nasa bahay ako, kasama ko lagi si Papa. He’s a good dad kasi lagi niyang kasama mama ko, to protect me and to support me in many, many ways, especially in my career.”

Bale ba, inaasahan pa sana ni Sheryn na manonood ang magulang niya sa Back To Love show niya sa Pebrero 28 at naalala pa ito ng ama kung tuloy ba.

Sabi raw ng papa ni Sheryn, “Uy goodluck sa February 28, tuloy ba ‘yun?’

“Sobrang excited niya kasi homecoming ko nga, pero hindi naman niya naabutan, eh. He just turned 68 last December 26, kaya kaka-68 lang niya.

“Lagi lang siyang ano, because noong nasa ospital siya sobra niyang hindi na siya makapagsalita because he had a stroke pala, so biglang gusto niyang magsalita, tawag lang siya ng tawag ng pangalan ko even though nahihirapan siya.

“So alam kong parang ano siguro nag-aano siya na, ‘Ang laki na ng gastos mo,’ or something like that. Sabi ko, ‘Pa, no, nandito ako, I’m working for you guys.’

“Sabi ko, ‘huwag kang ano, gusto ko lang gumaling ka,’ ganoon, kasi ang iba kasi sa atin na Filipino ‘di ba, ‘yung tatay natin nagtitimpi kasi ang akala nila pabigat sa anak, hindi eh.

“Kahit hindi na sila nagtrabaho, ako promise ko ‘yan noong maliit ako, na igagapang ko sa hirap ‘yung parents ko, kasi mayroon tayong iba’t ibang klaseng parents, sila ‘yung support lang lagi, hands-on sa akin, hindi sila nagtatrabaho pero I promised them I will work for them,” emosyonal sa kuwento ni Sheryn.

-REGGEE BONOAN