Aminado ang Weightlifting World Champion na si Hidilyn Diaz na apektado din ang kanyang pag-eensayo bilang paghahanda sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics, sa lumalaganap na Novel Corona Virus o NCoV.

Hidilyn Diaz (Photo by GOH Chai Hin / AFP)

Hidilyn Diaz (Photo by GOH Chai Hin / AFP)

Ayon sa 2016 Rio Olympics na si Diaz, bagama’t nakatuon ang kanyang pansin sa training, nabago ang kanilang naunang plano kung saan lugar sila dapat na mag-ensayo sanhi ng nasabing virus gayung kailangan ng ibayong pag-iingat ng lahat.

“I’m still focused on training. Medyo affected ako kasi ang coach ko Chinese. Magte-training sana kami sa Taiwan, kasi mas akma ‘yung climate at tsaka ‘yung pagkain, so hindi naman kami pwede pumunta hindi naman pwedeng ako lang. So we changed plans, instead ng Taiwan, Malaysia na lang,” pahayag ng 28-anyos na si Diaz sa isang panayam sa kanya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Diaz, na mas bukod sa mas makakmura sa sila sa pag-eensayo sa Malaysia, naroon din ang mga akmang pagkain na kanyang kailangan bilang bahagi ng training.

Dalawang linggo pa lamag ang nakakalipas nang magwagi ng tatlong gintong medalya si Diaz sa 2020 Weightlifting World Cup na ginanap sa Italy sa 55-kg women’s division na isa sa mga Olympic qualifiers na kailangan na malusutan ng Zamboanga pride upang makakuha ng tiket sa Olimpiyada.

Sa teknikal na aspeto ay pasok na sa Olympics si Diaz, ngunit pormalidad na lamang ang kanyang pagsabak sa isa pa at huling Olympic qualifier na 2020 Asian Championship na gagawin sa Kazakhstan ngayong Abril.

“Kailangan ko lang maglaro ng isa pang laro. Requirements kasi na maglaro ng sixcompetions. Nakalima na ko, so parang formality na lang para sa Olympics,” ani Diaz.

Bagaa’t nag-aalala, naniniwala naman si Diaz na agad mareresolbahan ang ang natirang problema na kalat na sa buong mundo.

“Worried ako siyempre. global problem ito eh. Pero magtiwala tayo na mangyayari pa rin ang Tokyo Olympics. Syempre maraming magagaling na doktor. It takes time lang talaga to solve this crisis. Basta be safe lang po everyone,” ayon pa kay Diaz.

-Annie Abad