NAGHIHINTAY ang milyong papremyo sa ikalawang pagsasagawa ng “P1K for P1M” PAGCOR bingo tournament sa February 22 sa Casino Filipino (CF) Manila Bay ng Rizal Park Hotel, Ermita, Manila.

Matapos ang matagumpay na unang yugto ng programa nitong Enero 25, magbabalik ang pinakahihintay na laro ng sambayanan upang muling magbigay ng kasiyahan at katuparan ng pangarap. Sa halagang P1,000, may apat na tiket ang kalahok na magagamit sa laro.

May jackpot na P100,000 sa game 1 hanggang 9. Magsisimula ang laro ganap na 2:00 ng hapon.

Sa mga nagnanais na lumahok, maaring maglaro sa CF Manila Bay at s aiba pang branches at satellites sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay at Talisay (Cebu).

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Bukod sa February 22, isasagawa rin ang “P1K for P1M” sa Marso 28, April 18, May 23, June 13, July 18, August 22, September 26, October 17, November 14 at December 19.