MUKHANG hindi lamang baby boom sa showbiz this 2020, sunud-sunod din ang engagement at wedding among the showbiz couples. After nga ng announcement nina Kapuso hunk actor Juancho Trivino at Kapuso host/vlogger Joyce Pring ng engagement at nalalapit nilang kasal, sinurpresa naman si Kapuso drama actress Kris Bernal ng non-showbiz and chef boyfriend niya of three years, si Perry Choi. Thirty years old na ang actress at five years older sa kanya si Perry.

Kris & Perry Chio engaged (1)

Si Perry ay business partner ni Kris at tumulong sa pagpapatayo niya ng restaurants niya. Travel partners din sila at nakita na nila ang Aurora Borealis nang pumunta sila noon sa Iceland.

Last Thursday, February 6, ay birthday ni Perry at si Kris ang nag-organize ng dinner sa El Circulo Restaurant in Makati City. Pero si Kris ang nasorpresa nang sa gitna ng dinner, biglang nag-propose si Perry with matching gold balloons na may nakasulat na “Will you marry me” habang hawak ni Kris ay bunch of Sunflowers.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Napaiyak pero masaya si Kris at ipinakita pa niya ang engagement ring niya. Mabait daw na boyfriend si Perry at naalaala ni Kris na halos wala silang tampuhan as sweethearts. Last year daw three times lamang silang nagkaroon ng maliliit na tampuhan.

Kailan naman ang kasal? Pag-uusapan pa raw nila.

-NORA V. CALDERON