Nagpahayag ng pagkadismaya ang social media personality na si Sachzna Laparan matapos umano’y iwan sa hindi maayos na kalagayan ang kaniyang home rental sa Japan ng ilang Pilipinong umupa rito.
Mababasa sa Facebook post ni Laparan ang pagkaimbyerna noong Marso 30. Ibinahagi niya ang matinding pagkabanas hinggil sa nangyari sa kaniyang property na “Fuji Stay by Sachzna."
"Nakaka-disappoint lang… kapwa Filipino pa ang nag-rent sa Fuji Stay by Sachzna sa Japan," aniya.
"Nakakalungkot, sana hindi na maulit. Let’s all be responsible and respectful guests wherever we go."
"Hindi po kasama sa binayaran ninyo ang burarain ang bahay ko. Please treat the place with respect," aniya pa.
Kalakip ng post ang ilang mga kuhang larawan na nagsisilbing "resibo" kung gaano iniwang marumi, makalat, at magulo ang home rental niya.
Mababasa naman sa official page ng home rental ni Laparan ang paalala niya sa guests. Anila, sana raw ay igalang ng guests ang tahanan at sundin ang mga patakaran habang sila ay nananatili roon.
Inisa-isa rin kung ano ang naging sitwasyon ng home rental mula sa mga "burarang" guests. Una na rito ang mga basurang hindi naitapon nang maayos, mga pagkain at mga pinagkainang naiwan at hindi nalilinis, mga kalat na hindi naihiwalay nang tama, iniwan sa hindi maayos na kalagayan ang bahay.
"Our place is designed to be a clean, relaxing, and comfortable space for everyone. We kindly ask all guests to practice basic cleanliness and responsibility," giit pa nila.
"We trust our guests to treat our home with care, just like their own. Let’s work together to maintain a peaceful and high-quality stay experience."
"Failure to follow these guidelines may result in additional charges or penalties," mababasa pa sa advisory ng home rental ng social media personality.
Hindi naman tinukoy ni Laparan ang tiyak na pagkakakilanlan ng Pinoy guests.