May 21, 2026

Home BALITA

Sen. Imee sa Sabado de Gloria: 'Araw ng katahimikan at paghihintay'

Sen. Imee sa Sabado de Gloria: 'Araw ng katahimikan at paghihintay'
Photo Courtesy: Screenshots from Imee Marcos (FB)

Nagbigay ng mensahe si Sen. Imee Marcos para sa paggunita ng Sabado de Gloria. 

Sa isang video statement nitong Sabado, Abril 4, ipinaalala ng senadora na ang nasabing araw ay nakalaan para sa katahimikan at paghihintay.

Aniya, “Ang Sabado de Gloria ay araw ng katahimikan at paghihintay. Sa pagitan ng krus at muling pagkabuhay, ipinapaalala sa atin na may pag-asa.

“At sa bawat dilim ay may liwanag na darating,” dugtong pa ni Sen. Imee.

Matatandaang bago pa man ito, ipinasilip na ng senadora ang kaniyang pasabog para sa mga Mahal na Araw.

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Maki-Balita: 'Pagsisisi at pagpapatawad!' Sen. Imee, may pasabog sa Lunes at Martes Santo

Nauna nang inilunsad noong Lunes Santo at Martes Santo ang dalawang video na tumutumbok sa tema ng pagpapatawad at pagsisisi.

Kaugnay na Balita: Sen. Imee, humingi ng tawad kay VP Sara: 'Ipinahamak ko siya'

Samantala, nangalampag naman si Sen. Imee para sa full transparency para sa final report ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa flood control projects.

Ito ay mismong araw ng pag-alala para sa Miyerkules Santo kasabay ng April Fool’s Day. 

Kaugnay na Balita: 'Na April Fools' na, nahudas pa!' Sen. Imee, nangalampag sa 'full transparency' ng ICI final report