May 22, 2026

Home BALITA

Sen. Imee, humingi ng tawad kay VP Sara: 'Ipinahamak ko siya'

Sen. Imee, humingi ng tawad kay VP Sara: 'Ipinahamak ko siya'
Photo Courtesy: Screenshots from Sen. Imee Marcos (FB)

Humingi ng tawad si Sen. Imee Marcos kay Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng content niya sa paggunita sa Semana Santa.

Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Martes, Marso 31, inamin niyang ipinahamak niya umano si VP Sara.

“Hihingi rin siguro ako ng tawad dapat sa mga Duterte, higit lalo sa VP natin. Kay Inday Sara. Ipinahamak ko siya, e. Talagang naiisip ko na guilty na guilty ako,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Sana nananahimik sa Davao 'yon. Mayor siya,  walang kalaban-laban, walang hassle, walang gulo. Si Presidente, si Tatay Digong, nandito sana sa piling natin. “

Ito ang ikalawang bahagi ng kaniyang Holy Week content na tinutumbok ang tema ng “Pagsisisi.” 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Samantala, nauna nang ilabas noong Lunes Santo ang “Pagpapatawad.” 

Maki-Balita: Usec. Castro, binuweltahan si Sen. Imee: 'Sino po kaya naging pasaway, dapat binantayan?'

Matatandaang inilunsad ng senadora ang pasilip nito noong Marso 28.

Maki-Balita: 'Pagsisisi at pagpapatawad!' Sen. Imee, may pasabog sa Lunes at Martes Santo