Usap-usapan sa social media ang Facebook post ni Sen. Imee Marcos matapos niyang ibahagi ang kaniyang "sorpresang" content para sa Semana Santa 2026.
Sa kaniyang social media post noong Sabado, Marso 28, inilunsad ng senadora ang isang aabangan sa kaniya na pinamagatang “Pagsisisi at Pagpapatawad."
Ayon sa inilabas na anunsyo, ang nasabing pasabog ay hahatiin sa dalawang bahagi na ipapalabas sa Lunes Santo, Marso 30, at susundan sa Martes Santo, Marso 31.
Kalakip ng kaniyang post ang mensaheng “Isang Makabuluhang Semana Santa 2026,” na tila naghihikayat sa publiko na maglaan ng oras para sa pagsisisi, pagpapatawad, at espiritwal na pagninilay.
Bagama’t wala pang detalyadong nilalaman ang inilalabas hinggil sa naturang proyekto, espekulasyon ng mga netizen ay tungkol pa rin ito sa mga usapin at isyung panlipunan at pampolitika sa kasalukuyan.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.
"Ikaw dapat unang magsisi teh"
"Sana po maunang magsisi si BBM sa lahat ng kapalpakang ginawa niya na nangyayare sa bansa ngayon at bumaba sa pwesto para mapatawad siya ng taongbayan."
"Requirement ba sa pagiging politician ang pagkakaron ng narcissistic tendencies?"
"Isabuhay nyo po wag lang dula-dulaan!"
"Pagsisisi at pagpapatawad nga po ang layunin ng Semana Santa..."
"Yan. Ganyan ang gusto ng mga botante eh. Hahaha."