“HINDI pa ba halatang mag-dyowa na sila? Kitang-kita naman ‘di ba kapag ini-interview si Javi (Benitez) iba ‘yung tingin ni Sue (Ramirez), halatang in love na in love?” ito ang sabi sa amin ng aktor na kasama sa pelikulang Kid Alpha One na idinirek at line produce ni Richard Somes.

Javi at Sue

Sa isang showbiz gathering ay napag-usapan sina Javi at Sue dahil sa nakaraang screening ng A Soldier’s Heart ay naroon ang binata kahit hindi siya kasama sa teleserye nina Gerald Anderson, Jerome Ponce, Vin Abrenica, Yves Flores, Nash Aguas, Elmo Magalona at Carlo Aquino.

“Siyempre support kay Sue kaya nandoon si Javi,”saad ng aktor.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bagama’t hindi naman daw napag-uusapan ang relasyon nang dalawa sa set ay understandable na kung anong mayroon sila.

“Okay naman sila, ‘di ba? Bagay naman,” sambit pa.

Ang kaso hindi pa inaamin nina Javi at Sue kung anong tunay nilang relasyon kaya ang ex-boyfriend ng aktres na si Joao Constancia ay nagsabi sa nakaraang panayam na umaasang magkakaayos pa sila ng dalaga.

Sana aminin na ni Sue kay Joao na may Javi na siya para hindi na umasa sa kanya ang singer/actor ex-boyfie.

Samantala, iritang-irita ang karakter ni Sue kay Gerald sa A Soldier’s Heart bagay na ikinatataka ng kasamahan nilang si Elmo dahil wala siyang nakikitang masamang ugali nito kaya tinutukso tuloy na baka may ibang nararamdaman.

Cliffhanger naman ang episode ng A Soldier’s Heart nitong Martes dahil nakitang masayang nag-uusap na sina Gerald (Alexander Marasigan) at Sue (Lourdes Bacalso).

Anyway, abangan ang susunod na pagkikita nina Gerald at Sid Lucero na hindi nila alam na magkapatid sila sa ABS-CBN pagkatapos ng Make it with You.

-REGGEE BONOAN