MIAMI GARDENS, Florida —Buong mundo ng sports ang nagluluksa sa kasalukuyan, kung saan kahit ang Super Bowl, ay hindi rin napigilan ang pagluha para sa yumaong NBA superstar na si Kobe Bryant.

kobe

Ang manlalaro ng San Francisco na si Richard Sherman ay dumating sa Super Bowl suot ang jersey ni Bryant na binigyan ng tribute ng nasabing liga.

Sa simula pa lamang ng nasabing programa, ay sunud-sunod na pagbibigay parangal at papuri ang kanilang inialay sa yumaong basketbolista na masugid din na tagasubaybay ng football.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa mga manlalrong nag-alay ng parangal para kay Bryant ay mga manlalaro ng Kansas City Chiefs at ng San Francisco 49ers na nag-alay ng ilang minuto ng katahimikan upang alalahanin ang mga biktima ng bumagsak na helicopter noong nakaraang linggo kasma ang mag-amang sina Bryant at anak na si Gianna.

Nakatayo ang mga koponan sa kani-kanilang mga 24-yard lines — kung saan bahagi ng tribute kay Bryant ang pagwagayway ng No. 24 na jersey.

Ang ilan sa mga tagahangan na nanood ay nagsuot ng Lakers jerseys, habang ang iba naman ay suot ang highs school jersey ni Bryant na Lower Merion High School.

“Ladies and gentlemen, please join in a moment of silence as the 49ers, Chiefs, and National Football League extend our deepest condolences to the friends and families of those lost this past week. ... They will never be forgotten,” ayon sa voice over. sa Hard Rock Stadium.

AP