Nakatakdang tipunin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga kilalang sports specialists at educators para sa isang lecture-workshops sa gaganaping 2020 National Sports Summit sa susunod na buwan.

Ang nasabing summit ay magaganap sa Pebrero 27 sa Philippine International Conversation Center ( PICC).

Layunin ng PSC na maipakita ang estado Ng pampalakasan sa bansa sa pamamagitan ng pagtupad sa mga bagay na mapag-aaralan sa pamamagitan ng nasabing summit.

Kabuuang 500 participants buhat sa iba’t ibang ahensiya Ng gobyerno, pribadong sektor at buhat sa national sports associations (NSAs), mga collegiate coaches at mga atleta buhat sa UAAP, NCAA, at NCRAA at mga stakeholders, ang inaasahang dadalo sa nasabing pinamalaking sports summit sa bansa ngayong taon.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“This will be the 2nd National Sports Summit of this scale since 1992 so we want it to be as inclusive as we can,” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez.

Pangungunahan ni Dr. T.J. Rosandich, President at CEO ng United States Sports Academy (USSA) Ang pagbibigay ng pag-aaral para sa Sports Success sa pananaw ng isang 1st world country.

Ang USSA ay naitayo noong 1972 sa pamamagitan ni Thomas Rosandich na maghatid sa nasabing programa sa kabuuang 60 bansa hanggang sa kasalukuyan.

“In order to realize this, it is imperative for us to work with experienced people in the field to educate us about inclusive, grounded, and scientific measures vital in our production of an effective sports plan,” pahayag ni Ramirez.

Nagbigay din ng kanilang tulong ang Department of Education (DepEd) Kung saan nagbigay Ng kanyang pagbabahagi Ng kasalanan ukol sa palakasan si Undersecretary Atty. Revsee Escobedo.

Si Davao del Norte Youth and Sports Development Head Giovanni Gulanes ay magbabahagi din ng sekreto ng tagumpay ng nasabing lalawigan sa larangan ng sports.

Tatalakayin din sa nasabing summit Ang ukol sa Sports Governance and Philippine Legislation na ibabahagi ni PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy, habang ang Value of Sports Marketing Naman ay tatalakayin ni Prof. Tessa Jasminez ng University of the Philippines Diliman.

Bago pa man Ang mga nabanggit na mga lecture nauna nang nagbahagi ng kanilang pananaw ang Philippine Olympic Committee, Department of Education, Commission on Higher Education, at ang Department of Interior and Local Government ukol sa estado ng Philippine sports.

Dadalo din sa nasabing National Sports Summit 2020 si House Speaker Alan Peter Cayetano bilang unang tagapag salita sa Pebrero 27.

-Annie Abad