NAKASABAY ni Lt. Commander Jose Sixto G. Dantes sa donning of ranks na ginawa sa Navy Headquarters, si Rocco Nacino na isa ring Navy Reservist. Ang kanyang mga magulang ang kasama ni Rocco sa okasyon, wala ang GF niyang si Melissa Gohing. Ang ranggo ni Rocco ay PO3 Enrico Raphael Q. Nacino PN (Res).

Rocco

Post ni Rocco: Got to experience the prestigious donning of ranks at the Navy Headquarters. This has ignited a feeling of greater love for my country as our officers take time to recognize our efforts in serving our country. Yes masaya ang pakiramdam na makapagpasaya ng tao through tv, pero iba din ang saya ng makatulong sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

We reach out to the youth to take on this journey as well to experience that fulfillment that we talk about. Believe me, magbabago ang pananaw niyo sa buhay. Congrats to all the awardees, especially to my good friend @dongdantes, whom I salute to now as Lt. Commander Dantes. Buddy na tayo sa Alpha team, buddy na rin sa Navy. Snappy salute!”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Our tatay in heaven, Col. Eleuterio R. Quiogue, sana po napangiti kita today.

This is for you too Mom and Dad! Love you!

Nag-comment ang GF ni Rocco na si Melissa ng “Proud of you mi amor!”

Sa mga nagtatanong, sabi ni Rocco, pareho sila ni Dingdong sa Philippine Navy “Sa DOTS, special forces ang characters namin under the phil. navy.”

Akala namin, sa DOTS, under sila ni Dingdong at mga kasama sa Philippine Army at para malaman kung ano ang tama, abangan ang airing ng DOTS simula sa February 10.

-Nitz Miralles