KAILAN man ay hindi maalis sa isip ng mga Pilipino ang nakakahawang ngiti ng billiards legend na si Efren “Bata” Reyes.

Maaring nabawasan na ang kanyang mahika sa paglalaro ng bilyar ngunit naroon pa rin ang kanyang ningning bilang Isa sa mga pinagpipitaganang alamat ng bilyar sa bansa.

Sa edad na 65-anyos sumabak pa rin sa Reyes sa nakaraang 30th Southeast Asian Games (SEAG) kung saan nakakuha siya ng bronze medal

Gayunman, mataas pa rin ang tingin ng mga Pilipino sa nasabing billiard legend.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa darating na Marso 6, pararangalan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) si Bata ng ‘Lifetime Achievement Award’ bilang pagkilala sa kanyang naging kontribusyon sa larangan ng sports sa bansa.

Ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Bukod sa nasabing karangalan na ipagkakaloob kay Reyes, siya din ang magsisilbing guest speaker sa nasabing Awards Night na itinataguyod ng San Miguel Corporation.

Ito Ang ikalawang pagkakataon na magiging guest speaker si Bata sa nasabing event na suportado din ng Philippine Sports Commission (PSC), MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association (PBA), at ng Rain or Shine.

Samantala,tatanghalin naman bilang Athlete of the Year ang buong koponan ng Team Philippines matapos na matagumpay na nakuha ang overall championship noong nakaraang biennial meet.

Tatlong beses na pinarangalan bilang Athlete of the Year si Reyes noong 1991, 2001 at 2006

Pinarangalan ng PSA noong nakaraang taon ang bowling great na si Bong Coo at ang cycling champion na si Paquito Rivas ng Lifetime Achievement Award.

-Annie Abad