MAY 593,430 views na ang video post na ito ni Lovi Poe na kuha sa photo shoot for her Bench campaign ad. Nakasuot ng Bench jacket ang aktres, balot na balot ang upper part ng body niya, ang pasabog ay ang suot niya sa baba na parang partner ng swimsuit.

Lovi

Super sexy ang pambaba na suot ni Lovi at kung papansinin maigi, sobrang skimpy at kita na ang sabi nga ng netizens, “pisngi ng langit.” Simpleng “Bench a by golly... can I hear a wow!” lang ang caption ni Lovi sa video post, pero ang comments, grabe, may nakakatawa, may naiinggit at may nagulat (na naman) sa tapang ng aktres na magpakita ng parte ng kanyang katawan.

Sample ng comments ay ang reaction ni Camille Prats na “Grabeeee naman” ang nakakatawang “bawal ito isali sa Chinese garter beshie,” “hala pisngi naman.” May nag-comment din ng “masagwa” at “di kumita ang movie.” Meron namang gagayahin daw ang suot ni Lovi at may nag-comment ng “igalang mo naman nanay mo miss lovie.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahit ano pa ang feedback at comment niyo sa pinu-post ni Lovi, deadma ito lalo na pagdating sa kanyang trabaho. Kung ano ang ipagagawa sa kanya at kung kaya naman niya, gagawin ni Lovi.

Anyway, muling ipapamalas ni Lovi ang husay niya sa drama sa bagong primetime series ng GMA-7 na Anak ni Waray vs. Anak ni Bida na pilot this Monday pagkatapos ng 24 Oras. Guest si Lovi bilang ang batang si Sussie (Dina Bonnevie) at sa buong pilot week sila mapapanood ni Max Collins sa role ng batang Amy (Snooky Serna) at pag-aawayan si Jason Abalos na gumaganap na batang Joaquin (Jay Manalo). Mula ito sa direction ni Mark Sicat dela Cruz.

-NITZ MIRALLES