MIAMI (AP) — Sa isa pang pagkakataon, pamumunuan nina LeBron James at Giannis Antetokounmpo ang NBA All-Star Game: Team LeBron vs. Team Giannis.

JAMES: Back-to-back All-Star Game champion.

JAMES: Back-to-back All-Star Game champion.

Kapwa nanguna ang dalawang future hall-of-famer sa pinakahuling bilangan ng boto, sapat para tanghaling team captains ng Western at Eastern Conference, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang starters para sa ispesyal na palabas na gaganapin sa Chicago sa Feb. 16 ay sina Anthony Davis ng Los Angeles Lakers, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers, Luka Doncic ng Dallas Mavericks, James Harden ng Houston Rockets, Pascal Siakam ng Toronto Raptors, Joel Embiid ng Philadelphia 76ers, Kemba Walker ng Boston Celtics at Trae Young ng Atlanta Hawks.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bilang overall top vote-getter, si James ang may karapatan na mamili sa top pick sa format na ipinatupad may dalawang taon na ang nakalilipas. Sa second round ng pilian ng magiging kasangga, si Antetokounmpo ang may karapatang maunang pumili sa mga reserves player.

Naitala ni James ang kasaysayan sa NBA bilang starter sa ika-16 na pagkakataon. Nasa ikatlo siya sa listahan ng may pinakamaraming All-Star appearance sa likod nina 19-time selection Kareem Abdul-Jabbar at 18-time selection Kobe Bryant.

Nakakuha si James ng kabuuang 6,275,459 fan votes at gapiin si Doncic para sa West captain’s spot nang may 163,724 boto. Sa ikatlong sunod na season mula ng ipatupad ang format, si James ang team captain. Ginapi ng Team LeBron ang Team Giannis sa nakalipas naseason, habang nanaig ang Team LeBron sa Team Stephen Curry noong 2018.

Nakatanggap si Antetokounmpo ng 5,902,286 votes, kasunod si Embiid na may 3.1 milyon votes.

Ayon sa NBA, tumaas ng 7 porsiyento ang partisipasyon ng mga fans sa pagboto.

Sa pagkakapili sa 21-anyos na si Young at 20-anyos na si Doncic sa starting line-up, ito ang ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng All-Star na may dalawang starting players na edad 21-anyos pababaa. Noong 1998, napiling starter ang noo’y 19-anyos na si Bryant at ang 21-anyos na si Kevin Garnett.

“It’s an indescribable feeling,” pahayag ni Young, “After watching and admiring all these guys in the league growing up, I am truly humbled to be in this position.”

Ipapahayag ang listahan ng mga reserved players sa Jan. 31. Pipiliin sila ng mga team head coaches.