MASAYA ang buhay-artista at buhay-pag-ibig ni comedian-actress Eugene Domingo. Fourteen years na siyang Kapuso at wala siyang mairireklamo sa treatment sa kanya ng network. Bukod sa pagho-host ng mga game shows sa GMA, four years na siyang nagho-host ng Dear Uge, na kasabay din nang makita at makilala na niya ang kanyang ‘the one’ si Danilo Bottoni, isang Italian na into films din ang work.

Uge with Rhian & Sanya

“Pero na-miss ko na rin ang pag-arte ngayon,” sabi ni Eugene nang bumisita kami sa taping ng Dear Uge Presents.

“Last acting vehicle ko pa ang Septic Tank, kaya ngayong magsi-celebrate kami ng anniversary sa February, every week ay kasama na akong umaarte ng mga special guests ko. Wala na ang tindahan ni Uge, wala na rin si Divine, na tiyak akong bibigyan naman siya ng bagong show ng network dahil mahusay naman siyang artista. Sa bagong show namin, ita-tackle namin lahat ng klase ng story, comedy, drama, mga inspiring stories.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Like sa Sunday, after ng All-Out Sundays, special guests ko sina Rhian Ramos at Sanya Lopez, titled Sistering, magkakapatid kaming tatlo, OFW ako na isasakripisyo ko ang pag-ibig ko para magtrabaho abroad, at mapag-aral ko sila, makatapos at magkaroon ng comfortable life. Kung anu-ano ang pinasok kong trabaho hanggang sa maging Caregiver ako sa isang nursing home. Sa pag-aakala kong tapos na sa studies nila at nagtatrabaho na sila, nag-decide na akong umuwi. Pero pareho akong binigo ng mga kapatid ko, naging cold pa sila sa akin at kung minsan, hindi ako pinapansin. Nanatili pa rin akong big sisters sa kanilang dalawa. Director namin si Mark Sicat dela Cruz from the script of Gina Marissa Tagasa.”

Masaya ang lovelife ni Uge dahil kapag narito sa Pilipinas si Danilo, siya ang nagluluto at nag-aasikaso para sa kanya, pinapanood lamang niya. Kung minsan daw ay hindi siya makapaniwalang nangyayari iyon, naiiyak siya at tinatampal-tampal daw niya ang sarili niya para malamang kung totoo. Uge is now 48, meaning 44 years old na nang makita niya ang kanyang ‘the one’ na akala niya ay hindi na darating.

Masaya si Uge dahil matutupad na ang wish niya na makapag-guest sa kanyang show ang BFF niyang si Ai-Ai delas Alas. Ang tagal daw niyang hinintay ang chance na iyon dahil naging very busy sa work niya ang kaibigan. Pero ngayon, nagbigay na ito ng schedule at magti-taping na sila para sa anniversary month nila, buong February. Pre-Valentine’s Day offering nila, special guest niya si Gabby Concepcion.

-NORA V. CALDERON