DEDEPENSAHAN ni Pedro Taduran ang International Boxing Federation (IBF) mini-flyweight crown laban kay Daniel Valladares sa Pebrero 1 sa Guadalupe, Mexico.

“Isang bagay lang ang sinabi ko sa kanya, pasukin mo agad,” pahayag ni Art Monis, chief handler ng Pinoy champion.

Tangan ni Taduran ang ring record na 14-2, tampok ang 11 KOs. Nakatakda siyang tumulak patungong Mexico sa Sabado.

“Kumpyansa kami dahil maganda ang ensayo niya,” sambit ni Monis.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakuha ni Taduran ang IBF 195-lb title nitong September nang gapiin ang kababayan na si Samuel Salva sa ikatlong round.

Galing si Valladares (22-1 with 13 KOs) sa impresibong panalo kontra sa dating walang talong Pinoy na si Christian Araneta.

-Nick Giongco