SA pocket presscon na Rachelle Ann Go: The Homecoming na magaganap sa Pebrero 14 sa Marriot Grand Ballroom, Resorts World Manila ay binati namin ang International Theater Diva, ‘ang ganda mo pa rin, parang hindi naman halatang nag-asawa?’

rachelle ann1

“Talaga ba?” mabilis na sabi ni Rachelle Ann.

Hindi naman kaila sa lahat na nakailang boyfriends si Rachelle Ann noong nandito pa siya sa Manila pero lahat ay hindi nagtagal dahil sa maraming bagay sa kanilang mga ugali.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Edad trenta na si Rachelle Ann nang ikasal kay Martin Spies kaya hiningan siya kung ano ang maipapayo niya sa single ladies na hindi pa rin natatagpuan si Mr. Right.

“To all the single ladies out there, there’s no such thing as the one, you have to be the one for that person, you have to prepare yourself to be the one. Ako naisip ko ‘yan kasi dumating na ako sa point na ang dami kong dinate ‘di ba (nakailang boyfriends), dumating na ako na, ‘pagod na ako, lahat pare-pareho, (sabay tawa), nasaktan talaga tapos sabi ko, ‘ayoko na.’

“Tapos nag-focus talaga ako sa trabaho ko, nag focus ako sa, you know growing spiritually at doon ipinakita ni Lord. Alam n’yo first time kong ipag-pray ang future husband that was 2016. Never kong ipinangpe-pray.

“Ang lagi kong ipinagpe-pray, kung sino ‘yung specific person na dine-date ko ‘yung time na ‘yun, pero never ‘yung future husband. Naalala ko I was in the plane, sabi ko, Lord this is the first time I’m writing this down, prepare me to be a good wife, to be a good mom and ‘yung husband din when you think I’m ready. Dear Lord, ipakita nyo na. So, do’n, nangyari lahat sa New York (USA).

“Kaya to all the single ladies, huwag magmadali. Akala natin kasi nag-iisa tayo, kailangan natin ng kasama sa buhay, don’t waste your time dating people, you have to really spend time with yourself, with you being single, enjoy that moment kasi once your married, married ka na,”mahabang kuwento ng international singer.

Base sa kuwento ng International Theater Diva ay mabait ang hubby niya kaya tinanong namin kung nagkakaroon din sila ng away.

“Naku, oo kaya nga lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na single, ‘marriage is very hard. Sabi nga sa book ni Timothy Keller na The Meaning of Marriage, marriage will bring out the monster in you.

“Sabi ko, ‘Parang totoo nga, ano?’ Kasi, it’s my first time to live with someone. Si Martin din, first time namin na magsama talaga makikilala mo isa’t isa ako pa naman gusto ko pala malinis ganu’n, ay masungit pala ako! Ang dami kong na-discover sa sarili ko.

“Ang marriage is wonderful kasi lahat ng negative characteristics niyo, mababago niyo, e. You have to change; you have to compromise,” masayang kuwento ni Mrs. Spies.

Ano ang kadalasan nilang hindi pinagkakasunduan.

“Little things, example paghugas ng pinggan, little things po. Kaya ina-advise ko talaga, it’s good to marry someone first before live with them kasi nangyayari po niyan, nagiging fast-forward ‘yung mga bagay-bagay.

“When you live with someone outside of marriage, ‘ay ayoko na, na-discover ko na ayaw ko pala siya matulog, ayaw ko ‘yung cleanliness niya sa bahay, break na kami, di ba? And then, talo ang babae, so ako talaga I’m very grateful to live with this time kasi kasal kami, we don’t have a choice, we have to live together kahit nag-aaway kami, kahit na matutulog ka na, ayaw mong kausapin kasi galit ako because of your pride. You have to change that, ‘yun talaga ang inaano (tinanggal) sa akin ni Lord, pride at kailangan maging patient ka and that’s how you will grow and you know, you’re a team.

“Alam n’yo importante talaga na ang mapapangasawa ninyo, maka-Diyos kaya sa lahat ng single ladies out there, you have to choose a Godly man sobrang importante because life is already complicated, feeling ko kapag hindi kayo parehong ng faith, medyo magulo po talaga,” kuwento ni Rachelle sa bagong estado ng buhay niya ngayon.

At good thing na marunong na siyang magluto bago siya nag-asawa, “oo kasi nung nag-move ako sa London, mahal doon kaya you don’t have a choice but to learn how to cook. Favorite ni Martin Pinoy food, adobo, gising-gising. Alam na niya ‘yung mga ganyang putahe.”

South African si Martin at sa Amerika sila nakatira kasama ang pamilya nito at general manager siya ng Equinox fitness center. At nang magkaroon ng branch sa London ay dito na-assign ang hubby ni Rachelle Ann.

“His company is so supportive as well. When they learned that I am living in London, nilipat siya ng company niya sa London. Sobrang effortless. Hindi namin pinilit talaga.

“Talagang nakaplano, nakalatag na lahat,” sabi pa ng mang-aawit.

Nabanggit pa na walang pagsisi kay Martin na iniwan niya ang nakasanayang buhay sa New York at lumipat ng London.

“Actually, mas na-enjoy niya ang London kesa New York. He feels at home in London. Because he’s actually South African. And then, when he was a teenager, he moved to New York with his family. Pero yung kultura nila, South African pa rin. Parang Pinoy, very family-oriented.”

Naikuwento rin na nakabili na ng bahay sina Rachel at Martin sa Greenwich, London kung saan napakatahimik ng neighborhood na sadyang gusto nilang mag-asawa.

Kaya lang wala pang isang buwan niyang natirhan ito dahil umuwi siya ng Pilipinas para mag-Pasko at Bagong Taon naman niya nakasama ang asawa with his family.

At nitong Enero ay kinailangan niya uling bumalik ng Pinas para sa The Homecoming concert niya at makakasama niya sa show sina Erik Santos, Manila Philharmonic Orchestra, Zephanie, at Ms Lea Salonga mula sa direksyon ni Paul Basinilio at musical direction ni Marc Lopez at produced ng Cornerstone Entertainment.

-REGGEE BONOAN