KAKAIBANG atungal ang ipinamalas ng Davao Cocolife Tigers matapos lapain ang Makati Super Crunch ,101-79, sa kanilang unang pagtutuos ngayong 2020 sa papatapos nang elimination round ng Maharlika Pilipinas Basketball League(MPBL) Lakan Cup sa San Andres Gym sa Maynila.

Sumingasing agad ang Tigers pagbuga ng aksiyon sa first quarter sa pinagsamang puwersa nina Ivan Ludovice,Kenneth ‘Instant Impact’ Mocon,King Tiger Mark Yee na tinampukan ng step back trey in Emman Call upang umalagwa ng 13 puntos na bentahe,17-4 higit isang minuto pa sa unang kanto.

Mistulang bulkang nag-alburuto sa pasabog nitong 11-0 run ang Davao Cocolife sa sumunod na yugto sa pamumuno ni Forrester,Billy Robles,Marco Balagtas at Mocon upang itala ang 46-28 halftime score na bentahe ng koponan ni Rep. Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque .

Nabalewala ang tangkang paghabol nina Joseph Sedorifa,Cedric Ablaza at Jong Valoria sa inilatag na second half play ni bagong Makati coach Beaujing Acot dahil sa malupit na offensive thrusts nina Ludovice,Robles at naging best plater of the game na si Mocon habang binalikat naman in Yee, at big man Jerwin Gaco ang pambali ng gulugod sa Makati tungo sa one-sided na panalo upang manatiling nasa ituktok ng liderato ang Davao Cocolife (21-3)sa south division ng ligang inorganisa in Senator Manny Pacquiao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Naging advantage din ang two weeks na holiday break at ang puspusang ensayo pagpasok ng month of January na halos nagpadoble sa bangis ng ating Tigers na positibong senyales sa pagtupad ng aming misyong national championship ng MPBL Lakan Cup ngayong 2020,” pahayag ni team manager Dinko Bautista kaagapay si Deputy Ray Alao.