ANG pagbabalita ni MJ Felipe ng ABS-CBN na “JUST IN: Marcelito Pomoy advances to the semi-finals, thru the help of “superfans” the newest element in AGT:The Champions. Superfans are fans from each of the 50 states of the US.”

Marcelito

Napanood namin ang video ng performance ni Marcelito na kinanta ang The Prayer sa boses ng babae at lalake at hindi pa man natatapos ang kanyang kanta, binigyan na siya ng standing ovation ng judges at ng TV audience. In fact, twice siyang binigyan ng standing ovation na ibig sabihin, nagustuhan ang kanyang performance.

Ang new season ng America’s Got Talent ay competition ng champions at finalists mula sa ibang “Got Talent” programs sa buong mundo kasama ang Pilipinas na ang representative ay si Marcelito na nag-champion sa second season ng Pilipinas Got Talent noong 2011.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Unique,” “Beautiful,” “Absolutely Brilliant,” “Incredible Voice” at “Out of this World” ang ilan lang sa reactions ng mga judges na sina Simon Cowell, Howie Mandel, Alesha Dixon at Heidi Klum.

Malakas din ang palakpakan ng audience at sa kanilang facial expression, makikita ang pagkamangha sa husay at talent ni Marcelito na kumanta gamit ang boses niyang tenor at soprano.

-Nitz Miralles