SA nakaraang Block Z mediacon nitong Sabado ay napansin naming hindi mabanggit ni Julia Barretto ang pangalan ng ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia at mapapansin ito sa pinost namin sa Youtube na hindi alam ng aktres kung paano sasagutin ang sinabi ng aktor na ‘na-miss ko siya.’

Joshua at Janella

Ilang buwan na ring hiwalay ang JoshLia at sa thanksgiving presscon ng The Killer Bride ay inamin ni Joshua na naka-move on na siya at okay sila ni Julia.

Pinatunayan din ito ng bida ng TKB na si Maja Salvador na base sa obserbasyon niya sa aktor sa tapings ay masaya at naka-move on na at nagbiro pa nga, “kayo (media) na lang ang hindi pa naka-move on kasi panay pa rin ang tanong ninyo.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Tinanong namin kung okay sina Janella Salvador at Joshua at inamin ni Maja na, “I’m rooting for them.”

In fairness, ang dami palang supporters ng JoshNella kaya pala siguro ang ganda-ganda na ng ngiti at tawa ngayon ng aktor dahil malaking tulong din na nagka-trabaho sila ni Janella.

Ang tanong, dahil kaya kay Janella, kaya hindi ngumingiti si Julia sa mediacon ng Block Z kapag nagsasalita o natatanong si Joshua?

At dahil na rin sa ingay ng supporters ng JoshNella ay sila rin ang naka-diskubre na in-unfollow na ni Julia sina Joshua at Janella sa Instagram. Anyare? May selos factor bang nagaganap?

O dahil kasi sobrang sweet nina Joshua at Janella sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo na nag-post ang aktor ng litratong magkasama sila ng aktres na ang caption ay ”I am lucky to have a friend like you.”

Kinilig lahat ang supporters nang dalawa at ang pasimuno ay ang Tita-Ate ni Janella na si Maja dahil ang sagot nito ay, “@garciajoshuae beber naiihi na naman ako ni! emma @superjanella.” At natawa ang aktor sa komento ni Killer Bride.

Isa pang nakakakilig ay kinunan ni Maja at pinost sa kanyang IG stories ang video na kikilitiin ni Josh si Janella.“I’m gonna get you!” say ng aktor sa ka-partner.

Kaya siguro in-unfollow na ni Julia ang dalawa ay para hindi na niya nakikitang nagkikilitian ang dalawa.

-REGGEE BONOAN