IMPRESIBO at kahanga-hanga ang kampanya ng Union Bell sa nakalipas na season.
Nakamit ang 2019 Philippine Racing Commissionâs Juvenile Championship sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa dominanteng âfive lengthsâ, sapat para maipadama ang kahandaan para sa Triple Crown series â ang pinakahihintay at pinakamalaking torneo sa industriya ngayong taon.
Nakamit ng Union Bell (mula sa lahi ng Union Rags, USA; at dam Tocqueville, ARG) at sa gabay ni jockey Jonathan B. Hernandez, ang apat na sunod na panalo sa Juvenile series para sa two-year-old horses, at makakolekta ng winning prize na P1.5 milyon para sa may-aring si Elmer de Leon.
Sinimulan nito ang ratsada sa impersibong five-length win sa 1st leg ng Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite noong Oktubre, bago humataw sa 2nd leg ng Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.
Nakumpleto ng Union Bell ang dominasyon sa panalo sa Juvenile Colts Stakes Race at San Lazaro Leisure Park nitong December, bago napagwagihan ang Juvenile crown.
âReady na ito sa Triple Crown, Â mas magaling ito next year,â pahayag ni Hernandez.
Naisumite ng Union Bell ang bilis na 1:42.8, tampok ang quartertimes na 24, 25, 26, 27 segundo para sa huling ratsada ng 2019.
âAng instruction sa akin, bahala na lang ako, so ang desisyon ko, inuna ko na noong magkaroon ng pagkakataon, para at least, kapag gumigil siya, nasa harapan ko siya,â sambit ni Hernandez.
Bumuntot lamang ang Exponential (jockey PM Cabalejo, owner Raymund Puyat), kay Union Bell, habang lumarga ang iba pang winners para sa premyong P562,500.
Ang ibapang nagwagi sa Philracomâs final race ay ang Looksmart (Race 2), Since When (Race 3), Yes Kitty (Race 4), Two Timer (Race 5), Money Gain (Race 6), Full Steam (Race 7), Certain to Win (Race 8, Kaka and Bachi (Race 9), Gonzeeâs Bet (Race 10), Double Rock (Race 11) at Jawo (Race 12).