AAMININ na kaya nina Joem Bascon at Meryll Soriano na nagkabalikan na sila mamaya sa finale presscon ng teleseryeng Starla?

JOEM-BASCON Meryll

Dalawang beses kasi naming nakausap si Joem sa grand presscon ng Culion sa Novotel ay ipinagdiinan niyang hindi sila nagkabalikan dahil gusto muna niyang magpahinga at mag-concentrate sa sarili at karera niya. Sa premiere night ng nasabing pelikula ay hindi rin kami sinagot ng aktor ng muli namin siyang tanungin.

Si Meryll naman ay iniwasang sagutin din ang tungkol sa kanila ni Joem noong grand presscon at premiere night.

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Pero nitong Bagong Taon ay magkasama sina Joem at Meryll na sinalubong ang 2020 sa isang bahay kung saan naroon din si Ms Maricel Soriano at iba pang kapatid at pamangkin nito.

Walang post sina Joem at Meryll, ang kapatid ni Maria na si @meliton13 ang nag-post kaya nabuking ang dalawa na ‘sila’ na ulit.

Matatanda na sina Joem at Meryll kaya hindi na nila kailangang itago pa kung anong mayroon sila ngayon lalo’t pareho naman silang single at payag rin ang anak ng aktres na si Elijah Palanca na magkaroon ng lovelife ang mama niya.

Sa kampo naman ni Joem sa pagkakaalam namin ay matagal na siyang hinihingan ng apo ng magulang at pamangkin ng mga kapatid.

Mukhang memorable ang Culion at Starla kina Joem at Meryll dahil ito ang naging daan para sa kanilang love is lovelier in the second time around pagkalipas nang isang dekada. 2010 sila naghiwalay.

-Reggee Bonoan