NEW YORK —Sumakabilang buhay kamakalawa ang respetadong basketball lawyer ng National basketball Association (NBA) na si David Stern, sae dad na 77.
Si Stern na kilala rin bilang tagasupoprta ng liga sa loob ng dalawang dekada ay nagkaroon ng pagdurugo sa utak o brain hemorrhage noong Disyembre 12 na naging sanhi ng kanyang pagkakaopera.
Gayunman, hindi din nakayanan ni Sterna ang nasabing operasyon na siyang naging dahilan ng kanyang pagkakaratay sa ospital hanggang sa siya nga ay mamatay sa tabi ng kanyang asawa.
“The entire basketball community is heartbroken. David Stern earned and deserved inclusion in our land of giants,” ayon naman sa pahayag ng National Basketball Players Association.
Naging abala si Stern sa NBA sa loob ng dalawang dekada bago ito pinangalanan bilang ikaapat na komisyuner ng liga noong Pebrero 1, 1984 na tumagal hanggang 2014.
“Because of David, the NBA is a truly global brand — making him not only one of the greatest sports commissioners of all time, but also one of the most influential business leaders of his generation. Every member of the NBA family is the beneficiary of David’s vision, generosity and inspiration,” ayon naman kay Adam Silver na siyang naging kahalili ni Stern bilang commissioner ng liga.
Isa sa mga pinagpapasalamat ng marami kay Stern ay nang gabayan nito ang mga manlalaro, karamihan sa black community nang malulong ang ilan dito sa droga noong taong 1970.
Siya mismo ang nagbigay daan para maiiwas ang mga manlalaro droga sa pamamagitan ng druig testing bawat koponan gayundin ang pagbibigay ng salary cap pati na ang pagpapatupad ng dress code sa liga.
“The game is what brought us here. It’s always about the game and everything else we do is about making the stage or the presentation of the game even stronger, and the game itself is in the best shape that it’s ever been in,” ayon sa isang pahayag ni Stern matagal na.