KAPANA - PANABIK na karera ang matutunghayan ng ‘bayang karerista’ sa inilatag na programa ng Philippine Racing Commission – ang Philracom Chairman’s Cup at 3YO Imported/Local Challenge Race Championship sa Linggo (Disyembre 29) sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
I s i n a s a g a w a a n g Chairman’s Cup taon-taon bilang parangal sa mga dating namunong opisyal sa Philracom. Ngayong t a o n , a n g h o n o r e e a y ang namayapang Makati Mayor Nemesio I. Yabut, nangansiwa sa ahensiya mula 1978 hanggang 1986.
I l a l a b a n n i M e l a n i e H a b l a a n g dalawang pamosong alaga sa 2,000- meter Chairman’s Cup -- Shanghai Gray, sasakyan ni jockey KB Abobo, at Weather Lang, gagabayan ni jockey JL Paano
Inaasahang magbibigay ng magandang laban ang Habla pair na Jayz (jockey JA Guce, SC Stockfarm), Real Gold (JP A. Guce, C&H Enterprise) at The Accountant (RO Niu Jr., Luis Aguila).
Paglalaban ng limang pambato sa Chairman’s Cup ang premyong P1.2 milyon sa kabuuang P2 million papremyo na inilaanng Philracom. Makakamit ng runner-up ang P450,000, habang ang ikat lo at ikaapat na puwesto ay may P250,000 at P100,000, ayon sa pagkakasunod. May naghihintay ring P70,000 sa breeder ng magwawaging kabayo.
H i n d i n a m a n magpapahuli sa datingan ang mga sasabak sa Philracom Imported/Local Challenge Race Championship na may distansiya ring 2,000 meters.
Tamp o k ang mg a palabang Magtotobetsky ni multi-titled owner Leonardo Javier Jr. at sasakyan ni jockey AM Villegas.
S a s a l a n g d i n s a Challenge Race na may kabuuang premyo na P1.5 million, ang Bullish Desire (jockey LA Abrea, owner Jan Anthony Coching), Joyous Solution (JB Guce, Allan Keith Queensboro (RO Niu Jr., Feliciano Tolosa) at Will To Win (MA Alvarez, Wally Manalo).
N a g h i h i n t a y a n g p r e m y o n g P 9 0 0 , 0 0 0 s a kampeon sa 3YO race, habang may P337,500 at ikatlo at ikapat na puwesto.
“We expect another exciting day at the racetrack,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez. “Some of the industry’s best runners are running and so we can anticipate another good show for all Filipino racing fans.”
Huling hirit ng Philracom ang ilalargang 2019 Juvenile Championship sa Disyembre 31 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, kung saan magtatagpo ang paboritong Union Bell at Exponential.