NGAYON pa lamang ay marami na ang humulang ang pelikulang 3Pol Trobol: Huli ka Balbon ang mangunguna sa darating na Metro Manila Film Festival 2019. Tinodo na raw kasi ni Coco Martin ang lahat ng kanyang talent para lang sa pelikula niyang ito, huh!

Coco at Jen

Isa na rito ay ang pagiging Paloma na ayun pa sa Primetime King ay huling beses na raw niyang gagawin ang naturang karakter na kuwelang-kuwela sa mga tagasubaybay ng kanyang FPJ Ang Probinsiyano.

“Last time ko nang gagawin kung kaya sinagad ko na,”napatawang banggit pa ni Coco sa prescon ng pelikula niyang ito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang karakter ng actor na Paloma ay nag bihis babaeng si Cardo Dalisay na dagdag pa rin ni Coco na ito na raw marahil ang pinakamahirap niyang ginawa sa pagiging actor niya.

“Ang hirap mag-bihis babae. Talagang effort kung effort . Lahat ng looks,eh, iniba iba ko. Hindi ako parang, palit make up lahag. Palit lahat, contract lens, kuko, lahat.

“Ako ang pinakamaagang dumating sa set, kasi nga more than sa isang oras ang pagme-make up sa akin. Tapos, bibihisan akong kung ano anu pa ang inilalagay sa akin para maging sexy.

“Ang dami palang mga palaman-palaman ditto na mga basahan,”sabay turo pang natatawang banggit sa kanyang balakang.

Sey pa ni Coco na nagkasugat sugat na nga raw ang balat niya sa katawan dahil sa kung inilagay sa kanya.

“Sa totoo lang,eh, napasubo ako talaga sa pagiging Paloma,” nakangiti pa ring banggit ng sikat na sikat na actor.

Kasabay pa ring ikinuwento ni Coco kung paano niya kinausap ang leading lady niyang si Jennylyn Mercado para sa mga gagawin nilang mga eksena .

“Noong ipine-present ko kay Jennylyn iyong concept, ‘Jen, ganito ang mangyayari, ganyan-ganyan. Tapos, may eksena tayo rito, magsu-swimming tayo. Naka-swimsuit ka. Tapos, ako rin, naka-swimsuit, ganyan-ganyan. Tapos, naka-T-back,”lahad pa rin ni Coco.

Dagdag pa rin ng magaling na actor na kahit siya ang producer at director at pwede nang hindi na itutuloy ang pagsusuot ng T-back ay wala na raw naman siyang magawa kung ‘di gawin ang naturang eksena.

“Siyempre, ipine-present ko kay Jen, para pumayag siya. E, noong gagawin na namin ang pelikula, kaya ko bang panindigan? Kasi, kailangan kong magpakita ng puwet. Siyempre, mapapahiya naman ako sa kanya pag di ko ginawa.

“Ginawa na namin para sa pelikula!”sey pa ni Coco Martin.

Sey pa rin ni Coco na doon pa lang daw sa naturang eksena nilang yun ay bawing bawi na ang ibabayad ng mga tao sa pelikula nilang 3Pol TRobol : Huli Ka Balbon.

Banggit pa rin ni Coco na talagang sinagad na raw niya ang lahat para wala nang hanapin pa ang mga manonood ng pelikula nila. Pero isa pa rin daw naman sa talagang highlight ng pelikula nila ay ang eksena naman nilang dalawa ng kasamang actor na si Sam Milby.

“Naku grabe rin ang ginawa ko doon. Nilandi ko nang husto si Sam. Sinayawan ko siya sa harap niya. Tapos, naghalikan kami. Kumbaga, sabi ko nga, gagawa ako ng comedy kaya dapat sagaran na talaga,”napatawa pero seryosong banggit pa rin ng producer, direktor at actor.

Kasama pa rin sa naturang pelikula ni Coco ay sina Ai Ai Delas Alas, Edu Manzano, Tirso Cruz III, Joey Marquez, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats, Mark Lapid, Bianca Manalo, PJ Endrinal, Super Tekla, Boobsie Wonderland, Soliman Cruz, Jhong Hilario, Kim Molina, Paolo Paraiso, Lou Veloso, Bernard Palanca, Whitney Tyson, at may special participation si Manila mayor Isko Moreno

-JIMI C. ESCALA