PAREHONG dumalo sa special screening ng movie nilang Kaputol sina Ms. Cherie Gil at actor-politician Alfred Vargas. Post nga ni Ms. Cherie, “Happy to reunite with one of my fave leading men and friend @alfredvargasofficial.”

Alfred & Cherie Kaputol

Ang indie film ay produced ni Alfred Vargas at dinirek ni MacArthur ‘Mac’ Alejandre. Cinematographer si Lav Diaz na kaibigan ni Direk Mac.

Masasabing movie within a movie ang “Kaputol” dahil scriptwriter si Robert (Aldred) at director si Kiki (Cherie). Magkapatid naman sina Caloy (Alfred) at Rina (Cherie) sa ginagawa nilang movie na tungkol sa Martial Law at social issues like desaparacidos, kaya shot ito in black and white ni Lav Diaz. Hindi matapos-tapos nina Robert at Kiki ang movie dahil hindi sila magkasundo sa ending.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kasama rin sa movie si Angel Aquino at mga lesbians sila ni Cherie. Gumaganap na nawawalang anak ni Robert si Ronwaldo Martin as Conrad.

Parehong mahusay ang pagkaganap nina Alfred at Cherie at based sa tema ng movie, tiyak na madaling isali ito at mapapnsin sa mga international film festivals. Nabigyan na ito ng R-13 classification ng MTRCB kaya maipalalabas lamang ito sa mga selected cinemas na pwedeng magpalabas nito. Sa 2020 na ito maipalalabas pagkatapos ng Metro Manila Film Festival na tatagal pa hanggang sa January 7, 2020.

Samantala, dito lamang sa Pilipinas magsi-celebrate ng Christmas si Cherie dahil narito ang mga parents nila, sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Ang mga anak naman daw niya ay kasama ng daddy nila sa New York.

Si Rep. Alfred naman ay magiging busy raw siyang mag-attend sa mga Christmas party ng kanyang mga constituents. Natatawa nga niyang sabi, umabot daw sa 2,020 ang mga imbitasyon niyang natanggap, hindi niya alam kung ilan ang mapupuntahan niya.

-NORA V. CALDERON