NAPAWI ang agam-agam na nilikha ng ilang isyu bago ang pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games at sa kabuuan, maituturing isa sa pinakamatagumpay na hosting sa aspeto ng organisasyon at sports venue ang katatapos na biennial meet.

IBINIDA nina Brunei Prince Jefri (kanan) at Rep. Mikee Romero ang kani-kanilang medalyang napagwagihan sa polo competition ng 30th Southeast Asian Games sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas. Bahagi si Prince Jefri sa Team Brunei na nagwagi ng gintong medalya sa polo 0-2 goals division, habang bronze medalist ang PH team.

IBINIDA nina Brunei Prince Jefri (kanan) at Rep. Mikee Romero ang kani-kanilang medalyang napagwagihan sa polo competition ng 30th Southeast Asian Games sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas. Bahagi si Prince Jefri sa Team Brunei na nagwagi ng gintong medalya sa polo 0-2 goals division, habang bronze medalist ang PH team.

Hindi malilimot ang iba’t ibang istorya na nakapaloob sa kabuuang 530 medalya na napagwagihan ng Team Philippines sa 56 sports, tampok ang gintong medalya at kabayanihan ni surfer Roger Casugay at ang makasaysayang paglupig ng men’s volleyball sa defending champion at powerhouse Thailand sa semifinals.

Sentro rin ng usapin ang mga playing venues na naging tahanan ng mahigit 5,000 atleta at coaches sa loob ng 11 araw. Sa mata ng sambayanan, world-class ang venues at hindi pahuhuli ang Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas.

Nangibabaw ang Brunei sa polo’s 0-2 goals division laban sa Malaysia, subalit hindi maisasantabi ang usapin sa kahandaan at kagandahan ng polo venues na kinagiliwan ng mga kalahok at bisita.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Mismong ang Brunei royalties, nakinabibilangan nina gold medalist Prince Jefri Bolkiah at Prince Bahar, Princess Azemah at Prince Mateen – mga anak ni Sultan Hassanal Bolkiah – ang namagneto sa kayumihan ng playing facility na inihanda ng pamilya Romero.

Maging ang mga technical officials mula sa Indonesia at Malaysian ay namangha sa kagandahan ng lugar at sinabing pinakamagandang polo venue ang naihanda kumpara sa mganakalipas na edisyon ng biennial meet.

Ikinumpara ni Indonesian coach Nico Curto ang Romero Field sa pamosong Palermo Polo Field sa Argentina.

“The Miguel Romero polo field is one of the best I have seen in the world,” aniya.

Kinatigan ni Dato Mohammad Moise, pangulo ng Royal Malaysian Polo Association, ang obserbasyon ni Curto, at hiniling na maging host ang Miguel Romero Field sa mga susunod na polo competition.

Aniya, natatangi ang disenyo at arkitektura ng Bamboo Pavillion.

“We feel home here because we know Mikee (Rep. Mikee Romero) for a couple of years already so we would like to come back and play here again,” pahayag ni Curto.

“Winning one of Brunei two gold medals in a world-class facility such as the Miguel Romero facility will be one of the most memorable moments for the whole Bruneians,” pahayag ni Brunei National Olympic Committee head at Sultan Hassanal’s brother, Prince Sufri Bolkiah,

Iginiit nina Prince Mateen at Princess Azemah Bolkiah na ang Romero Field ang magiging sukatan para sa gaganping polo competition sa SEA Games.

Nasungkit ng Philippine team ang bronze medal sa 0-2 goals division, ngunit oara kina Romero at kasanggang sina Tonio Veloso, Noel Vecinal, Jam Eusebio, Santi Juban, Julian Garcia, Franchesca Eusebio at coach Anthony Garcia, para na rin itong ginto.

“We fell short in our mission but we did our very best,” sambit ni Romero. “Good thing we received inspiring words so hopefully we can do better next time.”