TAGAYTAY CITY -- Nakamit ni Margielyn Didal ang ikalawang gold medal sa 30th Southeast Asian Games skateboarding competitions nitong Sabado sa Tagaytay City Extreme Sports Complex.

WINNING FORM: Handa na si Didal para sa Olympics

WINNING FORM: Handa na si Didal para sa Olympics

Nagtala si Didal ng iskor na 12.7 puntos sa women’s street event, ang event kung saan siya nagwagi ng gold sa 2018 Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Muling naitala ng Team Philippines ang 1-2 finish nang masungkit ni Christiana Means ang silver medal sa iskor na 7.3 puntos,

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pumangatlo naman sa kanila si Kyandra Susanto ng Indonesia na nagtala ng 4.0 puntos para sa bronze.

Naunang nakuha ni Didal ang ginto sa SKATE event kung saan sumegunda rin si Means.

Bigo namang mawalis ng Pilipinas ang gold sa street event makaraang pumangalawa lamang si Renzo Mark Feliciano sa Indonesian na si Sanggoe Tanjung sa iskor na 21.2 puntos.

Tumapos si Feliciano, tubong Baler, Quezon, na may 20.6 puntos, kasunod si Sothichai Ruksumruach ng Thailand na kumopo ng bronze sa nakuha nitong iskor na 19.1.

Pumanglima naman ang isa pang Filipino bet, ang game of S.K.A.T.E. gold medal winner na si Daniel Ledermann na mayroon lamang 16.4 puntos.

-Marivic Awitan