CLARK, Pampanga – Nanatili ang marathon title sa Pinay athlete, ngunit hindi si Mary Joy Tabal ang unang nakatawid sa finish line.

Sinopresa ni Christine Hallasgo ang sambayanan nang lagpasan at iwan sa pansitan ang dating kampeon para tanghaling bagong Reyna ng SEA Games marathon nitong Biyernes sa New Clark City Athletics Stadium dito.

Naungusan ng 27-anyos na tubong Malaybalay, Bukidnon ang intyernational-trained na si Tabal sa tyempong dalawang oras, 56 minuto at 56 segundo. Nakatapos na ng photo op ang MILO Marathon champion at nakipag-siesta na sa mga tagasuporta at tagahanga bago dumating si Tabal para sa silver medal (2:58.49).

“Unexpected po talaga ito,” maluha-luhang pahayag ni Hallasgo habang nakikipag-usap sa media pagkatapos ng kanyang karera. “Hindi ko kasi ini-expect na manalo ako. Basta kinondisyon ko lang ang katawan ko para di ako maiwan,” aniya.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ayon kay Hallasgo naging inspirasyon niya ang kanyang anak na iniwan sa Pangasinan na nagsasanay din sa athletics.

“Ang inisip ko na lang po para ito sa anak ko,” pahayag ni Hallasgo.

Samantala, bagama’t tangan ang homecourt advantage, naging malaking kadahilanan sa bahagyang pagkahuli ni Tabal ang di umano’y maagang oras ng pagtakbo, gayundin ang rutang pataas at pababa.

Nakuha naman Vietnam ang bronze sa ikatlong puwesto sa kanyang tinapos na 3:02.52, mahigit limang minuto ang lay okay Hallasgo.

Sa men’s marathon, naghari ang pambato ng Indonesia na si Prayogo Agus sa kanyang 2:26.48 sa orasan kasunod ang pambato ng Thailand na si Namkhet Sanchai na tumapos ng 2:27.18 para sa silver at si Mohamad Muhaizar ng Malaysia sa kanyang 2:33.08 para sa bronze medal.

“I really kinda surprised by her (Hallasgo’s) victory although she was in our long list of possible options (for the women’s marathon),” sambit ni athletics chief Philip Ella Juico.

“In fact, we asked BCDA official Arrey Perez if Hallasgo could check in with the rest of the national team at the Athletes Village here after our test event last Sept. 1 and we were fortunate that we got her in.

-Annie Abad