CLARK, Pampanga -- Naungusan ng Singapore ang koponan ng Pilipinas upang kunin ang gintong medalya para sa lawn bowls sa pag-usad ng 30th Southeast Asian Games ( SEAG) kahapon sa Friendship Gate ng Clark Global City dito.
Binigo ng trio nina Poh Eng Lim, Quee Kee at Shermeen Xin Yi Lim trio nina Nancy Toyco, Asuncion Bruce at Ainie Knight, 16-13 sa final round upang masungkit ang gintong medalya.
Bagama’t may ginto na rin na nailista, buhat sa pairs event may tatlongg silver medal din na nakuha ang Pilipinas sa women’s triples at sa fours at men’s triples kasama ang dalawang bronze medal buhat sa women’s pairs at sa men’s fours.
Sa men’s fours event napadapa ng Malaysia ang kalabang Brunei, 24-6 para sa ikaapat na gintong medalya, habang nakakuha naman ng bronze ang men’s team sa nasabing event matapos na talunin ang Thailand 14-13.
Dahil dito, ay nadepensahan na ng Malaysia ang kanilang korona sa overall championship sa lawn bowls sa kanilang apat na ginton gmedalya at dalawang bronze.
Samantalang ang Pilipinas ay nasa ikalawang puwesto naman sa nakuha nitong 1 gintong medalya, 3 silver at 2 bronze, habang ang Singapore ay nasa ikatlong puwesto.
-Annie Abad