Yesss, enjoy much ang real life couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa pagdiriwang ng 26th birthday ng binata sa Japan nito lamang December 2.

Jak a barbie

Hindi naging hadlang ang lamig sa very sweet couple na masayang nag-pose sa harap ng Sapporo Clock Tower at may pa Yakiniku night pa.

Excited naman ang kanilang fans na mapanood ang kanilang Japan trip sa vlog channel ni Jak na mayroon na ngayong 600k subscribers.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Mukhang sinusulit na ng dalawa ang kanilang maluwag na schedule ngayong holiday lalo pa at may bagong pagbibidahang teleserye si Barbie sa susunod na taon na pinagamatang Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.

Makakasama rito ng Kapuso Primetime Princess ang star-studded cast kabilang sina Kate Valdez, Snooky Serna, Dina Bonnevie, Celia Rodriguez, Teresa Loyzaga, Jay Manalo, Migo Adecer, at Faith da Silva.

At kung kailan maiisipan ng mag-dyowang Jak at Barbie ang kanilang kasal well…pakihulaan na lang po Madam Damin please lang!

-Mercy Lejarde