NAKAKATUWA ang pagko-congratulate ni Angelica Panganiban sa kaibigang si Glaiza de Castro na nanalong best actress sa 37th Luna Awards para sa pelikulang Liway.

Glaiza

“Pinaka mahusay na aktres yung amigah ko. Alam naman niya kung gaano ako ka proud sa kanya. Gusto ko lang talaga malaman niyo na BESTFRIEND ko yung best actress. I love you jan ha? Congrats bata!!! #LUNAbestactress.”

Sumagot si Glaiza ng,“Uuuyyy akala ko pa bertdey post haha! Salamat amigah. Congrats sa atin. Para sa lahat ng mga pagsisikap natin. Mabuhay tayo, mahal kita jan!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ang natutuwa sa friendship nina Angelica at Glaiza, friendship goal sila ng marami at may mga nagwi-wish na sana, makahanap sila ng kaibigan na kagaya nina Angelica at Glaiza.

Samantala, hindi nakarating sa Luna Awards si Glaiza dahil kasal ng bunso niyang kapatid at hindi niya ini-expect manalo dahil bigatin ang ibang nominees. Ang director ng Liway na si Kip Oebanda ang tumanggap ng trophy ni Glaiza.

“Bagama’t gusting-gusto kong makarating, isang importanteng araw din ang kailangan kong puntahan. Salamat sa pamilya ko at kay Lord sa pagbigay niya sakin ng lakas habang ginagawa namin yung pelikula,” pahayag ni Glaiza.

-Nitz Miralles