SA unang araw ng 20th anniversary celebration ng longest-running morning show na Unang Hirit, bumulaga sa mga televiewers ang mga hosts na sina Mariz Umali at Joyce Pring, na parehong nakasuot ng national costume ng mga Korean women, ang Hanbok.

Mariz & Joyce South Korea

Ti t l ed ang s egment ng #UH20LiveInKorea. At sabi nina Mariz at Joyce, ginaw na ginaw daw sila dahil umuulan at negative 1 ang temperature doon sa Buchon Hanok Village na kinaroroonan nila. May mga na-meet silang Filipinos doon na nagparating ng mga pagbati nila sa mga pamilya nila dito sa Pilipinas. Binigyan sila nina Mariz at Joyce ng anniversary T-shirts ng Unang Hirit na pinapanood daw nila para makakuha ng mga balita mula sa ating bansa.

Isang reason nang pagpunta nina Mariz at Joyce ay ang pagdalo nila sa imbitasyon ng South Korean Tourism. Kaya naman si Mariz, naka-payong dahil umuulan, nai-tour niya ang mga televiewers sa Korean Folk Village, na doon sinu-shoot ang mga Korean dramas na napapanood natin dito sa Pilipinas, lalo na iyong mga historical dramas tungkol sa mga hari at reyna ng Korea, isa na rito ang Queem Seondeok noong 2009.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mapapanood pa rin sina Mariz at Joyce na magri-report ng mga activities nila sa South Korea. Ang celebration ng UH 20th anniversary ay tatagal pa hanggang sa Biyernes.

-Nora V. Calderon