Dear Manay Gina,

Ako po ay nasa unang taon sa kolehiyo. Mayroon akong problema sa pagsasalita.

Hindi ko masyadong mabigkas ang letrang “s”. Ang sabi ng aking mga kapatid na babae, makapal daw at mahaba ang aking dila.

Dahil sa depektong ito, nagkaroon ako ng inferiority complex. Hindi ako makasali sa mga recitation at iba pang gawain sa school dahil natatakot akong mapagtawanan ng aking mga kaklase.

Ang problemang ito ay nagdulot sa akin ng matinding lungkot. Ano kaya ang dapat kongpag-aralan upang magkaroon ng magandang career? May solusyon ba sa problema ko? Paano ko ma-o-overcome ang aking inferiority complex?

Sandra

Dear Sandra,

Kumunsulta ka sa isang speech therapist. Maraming ospital at klinika ang nagbibigay ng ganitong serbisyo. Pag-aaralan nila ang iyong sitwasyon para malutas ang iyong problema. Speech therapists are trained to analyze and solve speech problems. May alam silang mga exercises para malutas ang pinakamahirap mang suliranin sa pagsasalita.

Pagdating naman sa career, karamihan sa mga nagtatagumpay ay yung gumagawa ng trabahong talagang hilig nila. Kapag gusto natin ang ginagawa, matindi rin ang ating motivation, kaya’t malaki ang tsansang magtagumpay. Pagtitiyaga at hard work ang susi dito.

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Cheer up.

Nagmamahal,

Manay Gina

“I’ll always be number 1 to myself.” –Moses Malone

Ipadala ang tanongsa [email protected]

-Gina de Venecia