MAY ilang supporters sa tambalang Janella Salvador at Joshua Garcia na nagtampo dahil hindi man lang inimbitahan ng aktres ang ka-loveteam niya sa teleseryeng The Killer Bride sa nakaraang premiere night ng The Heiress samantalang si Marcus Patterson ay pinapunta ng dalaga.

JANELLA

Ayon kay @sarifa mamensad, “Kainis ka naman Jea hindi mo man lang inimbita c Joshua na magka loveteam kau sa the Killer Bride, samantala c Markus inimbita mo Ang epal nya gus2 lng nya lng mapag-usapan sya jan.”

Hindi naman namin naitanong kay Janella kung inimbitahan niya si Joshua o baka naman kasi inimbitahan at hindi lang pumuwede ang aktor?  Kasi si Maja Salvador na kasama ng dalaga sa TKB ay dumalo para suportahan siya.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi naman na siguro kailangang kuwestiyunin kung bakit inimbitahan ni Janella si Marcus dahil special nila ang isa’t isa. ‘Di ba nga sabi ng dalaga na sasabihin nila sa tamang panahon kung ano ang real score nila pag handa na sila?

In fairness hindi gusto ni Marcus na pag-usapan siya dahil sa totoo lang panay ang iwas niya sa media nu’ng gabi at nagmamadaling umalis pero nahabol pa rin siya kaya nakapagbigay siya ng konting mensahe at sabay alis na.

Sana maintindihan din ng ibang fans/supporters kung sino ang gusto ng mga idolo nila at igalang ito, hindi ‘yung sila ang magdidikta kung sino ang dapat gustuhin o ibigin.

Manood ka na lang Sarifa ng The Heiress at tiyak mas hahangaan mo nang husto ang idolo mong si Janella sa pelikula.

-REGGEE BONOAN