NAGULAT ang mga netizens nang malamang kabilang si John Lloyd Cruz sa mga dumalo sa kasal ni Vhong Navarro sa long-time girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista na ginanap sa Kyoto, Japan, nitong nakaraang Huwebes, November 28.

John Lloyd

After ng kasal, nag-post si Ryan Bang sa kanyang Instagram Story ng video kung saan makikita si John Lloyd. Wala pang ibang ulat kung may kasama si John Lloyd no’ng lumipad ito papuntang Japan para sa kasal ng mag-asawa.

Kapansin-pansin naman ang clean-cut look ng aktor, malayo sa hitsura niya nitong mga nakalipas na taon na mahaba ang buhok at balbas sarado.

Kim tatapatan daw si Julie Anne, 2025 calendar girl ng kalabang liquor brand?

Makikita rin sa video ni Ryan sina Billy Crawford at Jhong Hilario, na kabilang sa groomsmen ni Vhong.

Matagal nang magkaibigan sina John Lloyd, Vhong, Billy, at Luis Manzano dahil sa kanilang dating grupong Kanto Boys, na nagpe-perform noon sa ABS-CBN Sunday variety show na ASAP.

M a t a t a n d a a n g s a nakaraang episode ng ABS-CBN morning talk show ng Magandang Buhay noong November 15, 2019, sinabi ni Billy na kahit dalawang taon nang nagpapahinga si John Lloyd sa showbiz ay tuloy-tuloy pa rin ang komunikasyon ng kanilang barkadahan .

“ N a k a k a u s a p pa namin pero hindi namin ma syadong nakikita,” paliwanag ni Billy. Hindi rin daw niya ipagpapalit si John Lloyd bilang kaibigan.

Hindi naman daw niya hinahanapan ng oras para sa kanilang bonding ang kaibigan.

“Siyempre busy rin yung tao.”May pamilya na rin and he lives a private life as well, di ba?” tugon ni Billy

-ADOR V. SALUTA